xxiv

2.1K 119 205
                                    

Kyuri's POV

Mangingisay na ako sa kaba.

Joke lang, ulol. Bakit naman ako kakabahan? Sino ba siya?

Wala akong ekspresyon nung pumasok na kami sa bahay at nakita ko si Mama. Oo, muntik na akong maluha pero kailangang pigilin. Parang pagtae, para di nakakahiya, tiisin mo muna. Hehe.

Dire-diretso lang ako papuntang kwarto at hindi umimik kahit tawagin ako ni Papa.

Nilock ko ang pinto at humiga. Bakit pa kasi kailangan niyang bumalik? Ano? Iniwan na siguro siya ng kabit niya kaya kami ulit ang puntirya niya.

May kumatok. Alam kong si Jungkook yan kasi dalawang beses yung pagkatok niya.

Binuksan ko at agad namang pumasok sa loob si Junggago, hehe pumasok, hehe.

"Kyuri."

"Ano?"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

Hehe, baka yung sayong ulo yung matigas, hehe.

Umupo ako sa kama ko at tinitigan yung pader.

Mas nagiging interesado pa ako sa pader eh. Naalala ko si otor, hehe yung dibdib niya isang pader.

Pero maganda naman siya, hihi.

"Kyuri, ano ba?"

"Ano? Wala naman akong ginagawa ah."

"Kausapin mo si Mama." Nakapamewang niyang sabi. Luh, taray ng ilong ng lolo mo oh.

"Para saan pa? Tss." Inirapan ko siya saka tumalukbong sa kumot.

"Mag-uusap lang naman kayo eh. Pagkatapos nun, hindi na siya babalik dito."

Napairap naman ako bago umupo.

"Wala akong pake, okay? Wala akong pake kung gusto niya akong kausapin."

Mamaya ipakulam ko pa yan o gawing parrot o ano man. Wala pa rin akong pake.

"Makasalita ka parang hindi siya nagluwal sa'yo. Hoy, inform lang kita, hindi ka mabubuhay kung wala siya." Sumandal siya sa pader. Tss, untog ko siya diyan eh.

"Edi sana hindi na lang ako nabuhay kasi hindi ko naman siya kailangan." Saka ako humiga at pinilit na matulog.

Jungkook's POV

Oh, kalma. Ako lang to, hehe. Crush mo na naman ako, kiss kita diyan eh.

Sa ngayon ay kumakain ako ng lomi. Yung Lucky Me, hehe. Eng sherep keye.

Gusto mo? Subuan kita?

Oi, yung lomi yung isusubo ko sa'yo wag kang mag-isip ng ano..isusubo ko sa'yo tong tinidor sige ka.

"Jungkook, nakausap mo na?" Biglang sulpot ni Mama sa likod ko.

"Opo Ma, kaya lang kilala niyo naman po yun. Hehe, medyo maluwang na yung turnilyo." Sabi ko with matching taas baba ng kilay.

"Sige..siguro..babalik na lang ako."

"Kelan po, Ma?"

"Sa tamang panahon." Hinalikan niya ako sa noo at nagpabebe wave.

Tangina.

"Sige anak, bibisita ulit ako next month. Pakisabi kay Kyuri, miss na miss na siya ni Mama, ha?" Tumayo naman ako at niyakap siya.

"Sige Ma, makakarating."

Umalis na si Mama at ako naman tuloy pa rin sa pagkain ng lomi.

burger | jiminWhere stories live. Discover now