xxxiv

2K 126 87
                                    

Kyuri's POV

"Alam mo Kyuri, ang tanga mo." Sabi ni Ella.

Nasa kwarto ko kami. Sinamahan niya muna ako kasi tinawagan ko siya. Iyak na lang ako ng iyak.

"Hindi pala tanga. Sobrang tanga pala."

"Nangiinsulto ka ba?" Inirapan ko siya saka pinahiran ng tissue yung sipon ko.

"Duh? Anong sabi mo? Hindi mo alam kung mahal mo siya o hindi?"

Napatango ako.

Totoo naman eh, sa ilang taon ng nakalipas, naka-move on na ako sa kanya. Mukhang nakalimutan ko na din yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Sa tingin mo iiyakan mo siya ng ganyan kung hindi mo siya mahal? Hindi lang naman utak ang ginagamit minsan, Kyuri. Gamitin mo din yang puso mo oh."

Nakatingin lang ako sa sahig.

"Sabi naman ng utak ko hindi ko na siya mahal eh."

"Talaga lang ha?" Sabi niya at nagpamewang.

"Alam mo bang aalis na si Jimin ngayon?"

Napatayo ako agad. "A-Ano?! Saan?"

"Hindi daw mahal..joke lang di yun aalis. Umupo ka."

Umupo naman ako at inirapan siya.

Bakit ako kinabahan?

"Mag-isip ka nga. Iiyakan mo ba siya kung wala kang pake sa kanya? Masasaktan ka ba ng ganyan kung hindi mo siya mahal?"

Hindi ako sumagot.

"Kasi ang tadhana, nakakabobo. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ang daming nasasaktan."

"Papaikut-ikutin ka. Paglalaruan ka. Madami kang pagdadaanan kapag nagmahal ka. Pero kung para kayo talaga sa isa't isa, kayo pa rin hanggang sa huli. Yun ang tadhana."

"Andami niyo ng napagdaanan pero pinagtagpo ulit kayo. Naisip mo ba yun? Pinagaayos na kayong dalawa pero ikaw lang talaga yung nagpapagulo."

Di ko alam kung sasagutin ko siya pabalik o tumahimik na lang kasi sapul na sapul yung mga pinagsasabi niya sa akin.

"Ngayon sabihin mo sa akin. Mahal mo pa o hindi?"

Tinignan ko siya sa mata pero napatingin na lang ulit ako sa sahig.

"Hindi ko alam."

"Hay! Ewan ko sa'yo, bruha."

Humiga ako sa kama at nagtalukbong sa kumot.

"Umalis ka na nga." Sabi ko.

"Talaga lang. Ang gulo mo eh..pero sinasabi ko sa'yo.."

"Huwag mo siyang hahabulhabulin kung kailan siya na mismo yung lumalayo sa'yo."

Yoongi's POV

Ang gwapo ko.

Hihihi.

"Tama na, Jimin. Umuwi na tayo." Pagawat ni Namjoon kay Jimin at kinuha yung beer na iniinom niya.

Mukha naman nagalit si Jimin dahil nag-iba yung ekspresyon niya.

"Iwan niyo nga ako!" Hinablot pabalik no Jimin yung beer na iniinom niya at umupo.

Ano ba yan, inaantok na ako.

Ang lakas pa ng tugtog dito.

"Umalis na kayo! Lahat naman kayo umaalis eh!" Sabi niya pa at uminom ulit.

burger | jiminNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ