xxiii

2.1K 124 124
                                    

Kyuri's POV

"Seryoso?" Napatigil naman si Ella sa kakatakbo. Tumigil na din ako.

"A-ayun..sabi ko..h-hindi ko siya gusto."

"Ah, sus..pake ko naman. Tara na." Nauna naman siyang tumakbo, sumunod na ako.

Pagkadating namin, sakto naman kasi hindi pa nag-sstart. Nilapitan kami ni Namjoon.

"Si Yoongi? Magsstart na yung game oh."

"I'M IN!" Biglang may sumigaw, at si Yoongi yun. Naghiyawan naman yung mga schoolmates namin.

Nilapitan ko ang Bangagtan para i-goodluck, lalo na si Jimin, pero mukhang masama ang aura ni Jimin ngayon.

"Jimin, goodluck." Sabi ko sa kanya, pero nakatingin lang siya sa malayo at nakakunot ang noo.

"Pagdating niyan dito, ganyan na." Sabi ni Hoseok sa akin.

Hahawakan ko sana yung kamay niya ng tumayo siya at naglakad papunta sa coach nila.

"Coach, masakit paa ko. Di ako makakalaro."

Napatingin naman yung ibang players sa kanila bago mag-agawan ng pwesto.

"SIR AKO IPASOK NIYO!" Nagdaganan na sila. Mukha silang tanga.

Yuck ipasok saan :o

"Sige, Hansol, pasok."

"YES PUTANGINA PAKSHET!" Nagtatalon sa tuwa si Hansol.

"Tss, Hansol na naman. Papatayin ko si Gretel eh."

"Corny mo, Seungkwan."

"EDI WAW SEOKMIN! PAKYU!"

Anong problema ni Jimin? Kanina naman maayos naman yung paa niya ah?

"Kyuri, tara na. Pang players lang pwede diyan." Sabi sakin ni Ella bago ako tumango at pumunta sa pwesto namin.

Dahil walang alam at maganda si otor sa basketball, nagfast forward ang mga pangyayari.

Hindi ko alam. Tambak kami.

18 - 51

Kami yung 18, putangina.

Naglalaro naman si Yoongi ah? Pero bakit ganun? Pisteng yawa.

"Jimin, kailangan kitang ipasok."

Hala grabe, coach. Ipasok saan? Hihi.

"Hindi ko kaya, coach."

"Aish! Jinjja!" Kaunti na lang kalbuhin na ni coach yung sarili niya kahit kalbo na talaga siya.

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila, may problema, nararamdaman ko. Tutal time out naman.

"Jimin, ano bang problema mo at ayaw mong maglaro? Okay ka naman kanina ah?"

Nakatingin lang siya sa kabilang side ng court bago sabihing.. "Masakit paa ko."

Narinig ko naman ang plano ng team namin.

"Hoseok, bantayan mo yung matangkad na ungas na yun. Ikaw ang puntirya." May tinuro si coach sa kabilang team.

"Tsk, crush siguro ako." Nagpogi sign pa si Hoseok, muntik ko ng ibato yung bench sa kaniya, buti napigilan ko.

"Namjoon."

"Po?"

"Kumalma ka. Ilang beses na nadeflate yung bola tuwing nahahawakan mo. Ikaw magbayad nun ah?"

burger | jiminWhere stories live. Discover now