xxv

2K 127 131
                                    

Kyuri's POV

Nagalusan daw? Baka naman gusto niya lang talagang makipaglandian sa pesteng Eunji na yun.

Bakit pa kasi kailangang bumalik ng mga taong kinalimutan at kinamumuhian mo na?

"Kyuri-ARAY!" Napatingin ako sa likod ako at nakita si Jimin na nakahandusay sa sahig.

Nilapitan ko siya at tinignan yung tuhod niya. May sugat nga pala siya.

"O-Ok ka lang?" Sabi ko.

Hawak niya pa rin yung tuhod niya ng bigla siyang ngumiti. "Happy April Fools, hehe."

Binatukan ko naman siya ng malakas at naglakad ulit palayo. Piste siya!

Lahat na lang manloloko! Kaya hindi umuunlad Pilipinas eh. Maraming korupt. #Kyuri4President

"Uy, Kyuri naman eh! Magpapaliwanag ako!"

"Na ano? Nakikipaglandian ka? Hindi mo na kailangang i-explain, nakita ko na." Sabi ko habang naglalakad pa rin.

"Kasi naman eh! Hindi naman ako nakikipag-landian eh!"

Luh? So anong ibig sabihin na nakahawak yung kamay ni Eunji sa kamay niya? Naglalaro sila ganon? Anong nilalaro nila? Landi-landian? Punyemas.

Tumigil ako sa kakalakad at hinarap siya. Nakahawak pa din siya sa tuhod niya habang naglalakad.

"Kyuri, ngayon ang balik ni Eunji." Pagpapaliwanag niya.

Binigyan ko naman siya "Do-you-think-I-give-a-shit" look.

"Kanina lang siya pumasok, uh..hinanap niya ako tapos may nagsabi na nasa clinic ako. Ayun."

Dapat magsama kayo ni Hoseok sa vet, hayop ka.

"So, makikipaglandian ka na?"

"Hindi nga kasi eh." Lumapit siya sa'kin pero lumayo lang ako.

"Anong hindi? Nakahawak siya sa kamay mo, hindi?"

"Sabi niya lang naman 'Get well soon'."

"Tuwang tuwa ka naman..ha! Oo nga pala, crush mo yun." Inirapan ko siya at dumiretso sa canteen. Tangina, panira ng mood.

Nilangaw na tuloy yung chicken ko, putangina. Chicken is not my style. Sweg.

"KYURI!" Hindi pa ako nakakaupo ng niyakap niya ako sa likod.

"Churi na pwease."

TANGINA MO PARK JIMIN SUBUKAN MONG MAG-AEGYO ISASAKSAK KO TONG BUTO NG MANOK SA MATA MO.

"Kyuri~" Sinabi ko na ang bawat mura gamit ang iba't ibang language na alam ko sa utak ko.

"Tigilan mo ako." Yan na lang yung nasabi ko.

TIGILAN MO AKO KUNG HINDI MAKIKITA NINYO ANG BATAS NG ISANG API! PUTRAGIS!

Muntik na akong mahimatay ng hinalikan niya ako sa leeg.

O temptasyon~layuan mo ako. Parang awa mo na, lubayan mo ako. Temptation no swiping. I'm so crying huhuhu.

"Babe~."

Kung pwede lang lamunin ng lupa, nagpalamon na ako.

Nararamdaman ko namang nakapout siya ngayon. Nakapatong kasi yung baba niya sa balikat ko.

"Ikaw lang naman mahal ko eh."

"D-dapat lang." Nauutal kong sabi.

"Libre kita, gusto mo?" Bigla niyang tanong.

burger | jiminWhere stories live. Discover now