xxix

1.7K 133 63
                                    

Kyuri's POV

"P-positive, Kyuri."

Para akong nanlumo sa narinig ko. Naaawa ako sa kanya, I mean..ang bata niya pa masyado para sa mga ganitong bagay.

"Eunji..s-sinong ama?" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya makasalita ng maayos kasi iyak siya ng iyak.

Pagkatapos ng ilang hikbi, sinubukan niyang magsalita. "K-Kyuri--"

"I'm sorry, Eunji." Napatingin naman ako kay Jimin na nagsalita sa likod ko.

Napatingin kaming tatlo sa kanya, halatang naguguluhan.

"Ikaw ba y-yung..kasama ko nung gabing nalasing ako?" Nakayukong sabi niya.

Hindi ko pa rin ma-absorb lahat ng sinasabi niya.

Kasama niya..si Eunji..nung nalasing siya?

Hindi pwede.

"Oo, ako yun pero--"

"A-ano?" Napabitaw naman ako sa kamay ni Eunji at tinignan silang dalawa.

"Tangina, sana mali tong iniisip ko ha." Sabi ni Ella.

"Ibig sabihin..m-may nangyari sa inyo?" Sabi ko, naramdaman ko naman na nanggigilid na yung luha ko.

"Sorry, Kyuri." Sabi ni Jimin habang nakayuko. Napanganga ako saka tumulo na yung luha ko.

"ABA'T GAGO KA PALA EH!" Sinuntok bigla ni Ella si Jimin, pero na-estatwa lang ako sa kinatatayuan ko.

Tinignan ko si Eunji at bigla siyang lumapit.

"Pakinggan mo muna ako--"

"Huwag mo kong lalapitan." Nanggigigil na yung kamao ko at kating kati na para sampalin silang dalawa. Pero ayokong gawin.

"Pinagkatiwalaan kita. Sabi mo..sabi mo hindi mo na siya aagawin pero ano?" Sabi ko, halos wala na silang marinig kasi nag-ccrack na yung boses ko.

Tangina, ang sakit. Sobrang sakit.

"Magsama kayo, parehong manloloko." Umalis ako ng cr na yon.

Wala na akong pake kung pagtitinginan ako ng mga estudyante dito. May gusto lang akong puntahan para malabas tong nararamdaman ko ngayon.

Pagkaalis ko ng school, pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep, kasi hagulgol ako ng hagulgol.

Akala ko okay lang ang lahat, yun pala hindi.

Ang dali ko kasing magtiwala. Naniwala ako na wala ng mangyayari.

Sabi niya masaya na siya para sa aming dalawa. Kingina, naloko na naman ako.

Palagi na lang.

Bumaba na ako at pumasok sa gusto kong puntahan. Umupo ako sa damo.

"Jin.." Panimula ko.

Mas lalo akong naiyak. Hindi na ako makahinga pero tinatry ko pa ring magsalita.

"Jin..ang sakit." Bigla na lang akong pumiyok at tuloy tuloy na yung daloy ng luha ko.

"Pwede bang palit kayo ng pwesto ni Jimin? Ikaw na lang yung mabuhay, please." Sabi ko at hinawakan yung lapida niya.

"Alam mo ba..buntis si Eunji." Sabi ko sabay tawa. Baliw na ata ako, iyak tapos tawa.

"At alam mo ba, si Jimin yung ama. Ka-excite noh?" Sabi ko at humagulgol na naman.

burger | jiminWhere stories live. Discover now