xxx

1.8K 131 295
                                    

Jimin's POV

Wala na.

Sa totoo lang, takot ako. Natatakot ako sa nakaakong responsibilidad na kailangan kong panindigan.

Ayoko munang umuwi. Pumunta muna ako sa isang convenience store. Umupo ako sa upuan ng makabili ako ng makakain.

Pagod na din ako. Akala niya ba siya lang?

Lumabas na ako ng matapos ako, sakto namang may naglalakad na lalake sa kabilang sidewalk na papalapit dito. Hindi ko siya mamukhaan kasi nga umuulan.

Nagulat ako ng bigla niya akong sinuntok.

"TANGINA MO JIMIN! ANONG SINABI KO HA?" Kinwelyuhan niya ako at sinuntok ulit.

Sino ba to?

Saka ko lang nakitang si Jungkook pala to.

Hindi ako makatayo sa sahig dahil sa ang lakas ng pagkakasuntok niya at masyado na akong pagod para lumaban pa.

At bagay lang sa akin to.

"ALAM MO BANG ISA KANG NAPAKALAKING GAGO?!" Tinadyakan niya ako at may nangawat naman sa kanyang security guard. Galing ata sa convenience store.

"SIMULA NGAYON HINDI KA NA NAMIN KILALA! TANGINA MO, HA! PASALAMAT KA HINDI KO KAYANG PUMATAY!" Pumiglas naman siya sa hawak ng security guard.

"Bitiwan mo ako! Crush mo ata ako eh!" Sabi ni Jungkook sa guard.

"Sir.." Sabi nung guard na parang galit.

"Ano?!" Aakmang susuntukin niya yung guard pero napairap na lang si Jungkook at inirapan kaming dalawa. Umalis na siya, pero tangay niya pa rin yung puso ko, dejk.

"Paano niya nalaman? Hihi." Bulong ng guard at bumalik sa loob ng store.

ABA HINDI MAN LANG AKO TINULUNGAN OH ANO?

Kinginang buhay to. Bakit hindi na lang ako tinuluyan ni Jungkook para hindi na ako nahihirapan.

Hindi ko na lang napansin na nawalan na pala ako ng malay.

Taehyung's POV

Ang gwapo ko.

Sino umangal, walang kiss.

Nasa bahay kami nila Jungkook. Lahat kami nandito, maliban kay Kyuri at Jimin.

"Anong plano niyo?" Tanong ni Namjoon hyung kay Jungkook.

Alam na namin ang lahat. Alam na naming..

Napakagwapo ko.

Joke, nalaman na din naming pinagtataga ni Jungkook si Jimin gamit ang ilong niya.

Hindi ko namang naiwasang mag-alala..

Sa kamay ni Jungkook :< nasugatan kaya siya?

"Lipat kami ng school." Bigla niyang sabi.

"Ay weh? Saan? Para lipat din kami, hehe." Sabi ni Hoseok.

Naks, tropang Bangagtan walang titibag <2+1

"Sa Canada." Yumuko naman si Jungkook.

"San yun? Bagong school?" Sabi ko, binatukan naman ako ni Yoongi hyung. Aba..

"Tanga, di mo alam yung Canada?"

"Hindi."

"Sa ibang bansa kasi yun." Sabu niya. Napakunot naman noo ko.

"Saang bansa?"

"Tanga! Sa Canada nga!"

"Huh? Akala ko ba Canada yung school?" Gulo rin nila eh.

burger | jiminWhere stories live. Discover now