CHAPTER 1

3.3K 59 0
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

"Ikang! Gumising ka na! Tanghali na! Late ka na naman!" nakakarinding sigaw ng kapatid ko kaya naman inis kong pinatay ang alarm clock ko kahit na pikit-mata pa rin ako.

Tinatamad akong bumangon. Gusto ko pang matulog!

"Mamaya na kuya! Ano ba?! Wala namang bago dun diba?! Palagi naman akong late! Sanay na mga teachers ko at mga classmates ko!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Kasi naman, mula lunes hanggang biyernes palagi akong late. Ewan ko ba. Nasanay na rin yata ako at nasanay na rin ang mga teachers ko pati na kaklase ko. Baka kung maaga akong pumasok ngayon ay magtaka sila.

"Babangon ka ba diyan o bubuhusan kita ng malamig na tubig?!" sigaw ni kuya sakin kaya mas mabilis pa sa alas kwatro ay napatayo ako agad sa kama ko.

Padabog akong tumayo at inis na hinampas ang unan ko sa kama ko.

"Sabi ko nga babangon na kuya eh! Ikaw talaga. Bingi ka ba kuya?" pilosopo kong sabi sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka! Di ka nagbago!" sigaw ni kuya.

Hindi ko na siya ininda pa at alam kong nagluluto siya ng agahan, kaya naman dumeretso na ko sa banyo para maligo at mag-ayos.

Habang naliligo ako ay nakikinig ako sa mga kantang kung saan ay nakakarelate ako. Wow, broken hearted ka ghorl?

Alam niyo yung feeling na wala ka namang jowa, single at wala ring manliligaw....pero kapag nakarinig ng senti na kanta, feel na feel mo ganon? Hahahahaha!

Ewan ko ba. Hindi ko rin naman ikakaila na may gusto ako sa isang lakaki pero alam kong hindi pwede. Bukod sa alam kong hindi niya ko kayang mahalin o gustuhin pabalik, alam kong mayroong iba sa puso niya. At kahit anong gawin ko, hindi ko siya mapapantayan at lalong hindi ko siya malalagpasan sa puso niya.

Siguro nga ay totoo ang sinasabi nila ano? First love never dies. Kahit may makilala kang iba, magmahal ka man ng iba, iyong taong una mong minahal ay nandun pa rin. Hindi mawawala. Kaya ang hirap makipagkompitensya sa taong nauna kaysa sayo.

"Ang bagal mo kumilos kahit kailan. Nahiya ang pagong sayo." Sabat sakin ni kuya matapos kong bumaba at umupo sa tabi niya.

Inirapan ko na lang siya at hindi sinagot.

Uma-umaga na lang yata kaming ganito. Ang aga niya kong gigisingin, pero male-late pa rin dahil ang kupad ko kumilos. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Sasabay ka ba kay Althea? O ihahatid kita?" tanong sakin ni kuya bago siya uminom ng kape niya.

"Pwede both?" pang-iinis ko sa kanya at sinamaan niya ko ng tingin kaya napatawa ako.

Sanay na ko kay Kuya. Palagi siyang ganyan. Napaka-strict na kung umakto ay para kong tatay. Kasi kung sabagay, halos siya na ang nagpalaki sakin. Siya na ang tumayong magulang para sakin.

"Bilisan mo na diyan. Sherickha, hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat ganyan ka. Hindi ka na bata kaya dapat alam mo na ang mga responsibilidad mo." Sermon sakin ni kuya.

Palagi niya kong pinapaalalahan ng ganyan. Kesyo malaki na ko, dalaga na ko. Dapat alam ko na ang tama sa mali. Dapat ganito ganyan. Hays.

Pero naiintindihan ko naman. Alam kong gusto niya lang iyong makakabuti para sakin. And I am thankful for having such responsible brother like him who makes sure that I am walking on the right path.

"Sige na. Bilisan mong kumain diyan at ihahatid kita bago pumunta sa trabaho." Sabi ni kuya bago niya tuluyang ituon ang atensyon sa pagkain.

Ngumuso na lang ako sa kanya saka ako tumango ng dahan-dahan.

Siguro nga, it's time to be responsible. Dahil hindi sa lahat ng oras ay nandiyan si kuya para samahan ako, itama ako, at gabayan ako.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon