CHAPTER 11

889 31 0
                                    

MARCUS' P.O.V.

"Kasi kaibigan ko siya. Bestfriend ko siya. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. At ayoko siyang mawala." dagdag ko sa sagot ko.

Mahal ko si Sherickha. Pero hanggang kaibigan lang talaga.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Marcus?" tanong ni kuya Sean kaya napatingin ako sa kanya. "Sigurado ka ba na kaibigan lang talaga para sayo ang kapatid ko?"

Hindi ako makasagot kahit na gusto ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may gusto pa akong sabihin, pero hindi ko matukoy kung ano.

Mismong ako ay hindi ko na rin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kung mayroon ba pero pinipigilan lang ako ng galit ko o wala pero iniisip ko lang na meron dahil nakokonsensya ako.

"Kung ganon, tapos na ang usapang 'to. Iyon lang naman ang gusto kong malaman eh. Sige. Mauna na ko. May lakad pa ko." sabi ni kuya Sean saka siya tumayo kaya tumayo din ako.

Bago siya umalis, nagsalita pa siya pero nakatalikod na siya sakin. Nakita kong napayukom ng kamao si kuya Sean.

Nagagalit ako sa sarili ko.

"Kung wala kang balak saluhin ang kapatid ko, hayaan mo na siyang maging masaya sa iba. 'Wag mo na siyang paasahin sa wala. At 'wag na 'wag kang magbibigay o magpapakita ng motibo para umasa siya. Ayokong nasasaktan ang kapatid ko, Marcus. Masama magalit ang isang kapatid na katulad ko." sabi ni kuya Sean.

Pagkatapos nun, tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

Naiwan akong tulala at hindi alam kung ano ang iisipin.

Nagpapakita ba talaga ako ng motibo sa kanya? Sa pagkakaalam ko naman ay hindi. I'm not giving her false hope.

"Sir, yung cellphone niyo ho kanina pa nagriring sa taas." sabi ni yaya na sa tingin ko'y katatapos lang maglinis ng kwarto ko.

"Ah sige po. Salamat" sabi ko saka na ko umakyat.

Kinuha ko ang phone ko at pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang pangalan ni Ann.

Sinagot ko ang tawag.

"Bakit?" tanong ko pero hindi siya nagsalita at ibang boses ang narinig ko.

"Kapag ba nanligaw ako sayo Sherickha, papayagan mo ba ko?" tanong ng lalake pero alam kong si Marius 'yon.

Alam ko at kabisado ko amg boses at pananalita niya.

Pero, anong sabi niya? Liligawan niya si Sherickha?

"Haha. Palabiro ka talaga Marius noh. Havey ang joke mo!" sabi ni Sherickha saka siya tumawa-tawa.

Pero teka, kasama ba nila si Ann?

"Hindi ako nagbibiro Sherickha. I'm being serious here." sagot ni Marius.

Halata sa boses niya na seryoso nga siya.

Alam ko naman, matagal na. Alam kong gusto ni Marius si Sherickha pero nagbulag-bulagan ako dahil masyado akong kampanteng wala akong kaagaw sa kanya at sa akin palagi ang bagsak niya.

Pero ngayon....natatakot ako.

"Marius, alam mo naman yung sitwasyon ko diba?" sabi ni Sherickha.

It's because of me again.

"Alam ko. Kaya nga tutulungan kita eh. Sherickha, just give me chance. Hindi masama ang sumugal. Can't you give us a try?" tanong ni Marius.

"Pero Marius, ayokong masaktan ka. Masyado kang espesyal sakin para saktan lang. Hindi ka rebound, okay? Marius." sabi ni Sherickha.

Tumawa si Marius.

"It's my decision Sherickha. Desisyon kong mag-risk. Ako naman ang masasaktan eh, hindi ikaw. Kung masasaktan ako dahil sa mahal kita pero ang kapalit nun ang makita kang masaya, masaya na din ako Sherickha." Sabi ni Marius.

Hindi sumagot si Sherickha at natahimik ang paligid.

Iyon na yata ang pagkakaiba naming magkapatid. Si Mariusnay masyadong matapang para ipaglaban ang babaeng mahal niya, samantalang ako ay duwag at palaging nakatago sa anino lang.

Please say no Sherickha. Say no.

"Marius, mangako ka sakin. Kapag nasasaktan ka na ng sobra, sasabihin mo sakin." Sabi ni Sherickha.

Sandaling natahimik si Marius hanggang sa narinig ko siyang mapabuntong-hininga.

"Promise." sagot ni Marius.

"Then I'm fine with it. Pinapayagan na kitang ligawan ako." sabi ni Sherickha.

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko matapos kong marinig iyon. Para bang paulit-ulit sinasaksak ng kutsilyo iyong puso ko.

"Talaga?! Yes!" sigaw ni Marius.

She said Yes. Pumayag siyang magpaligaw. Bakit, bakit parang ayaw ko? Damn it.

"Hindi ko sila kasama. Nakita ko lang sila. Ang ayos ng conversation nila eh. Narinig mo lahat diba, Marcus? Ano na? Masakit ba? Nasaktan ka ba? Ay haha. Bakit ko pa 'yon tinanong? May mahal ka nga palang iba." sabi ni Ann tapos pinatay na niya yung tawag.

Nabitawan ko ang phone ko at napatulala ako.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Bakit parang nasaktan ako sa mga narinig ko?

Wrong Timing (Completed)Where stories live. Discover now