CHAPTER 27

821 28 0
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

I am kinda sad that I couldn't attend the said event, I promised pa naman. But, it makes me happy to see him doing well in the pageant. It's as if sanay na sanay na siyang sumali sa mga ganito, when in fact, it's his first time.

By watching him on the video call, parang nandun na rin ako para suportahan siya. Besides, our friends are there— Marcus, Althea, and Ann. Tsaka sure naman akong hindi papatalo sa sigaw ang mga kaklase namin. Plus, his fangirls at school.

“Omg! Go Marius! Go! Go! Go! Go Marius!”

Rinig kong cheer ng mga tao. Wow, famous talaga. Ang daming fans. Sana all.

Kita mo? Naririnig mo? Todo support kami!” Sigaw ni Ann habang nakatutok ang camera kay Marius na rumarampa at the meantime.

Napatawa ako dahil dun.

Oo. Naririnig ko. Sana nga nandiyan ako eh.” Malungkot na sabi ko saka ako napabuntong-hininga.

Nakakarindi man pakinggan, pero hindi maiiwasan. Ang daming sumisigaw at tumitiling mga babae. They are shouting for his name. Gusto ko na nga lang maniwalang siya talaga ang mananalo ngayon eh.

“Omg. Ang gwapo niya. Hays. Ang ganda talaga ng lahi namin.” Sabi ni Ann saka siya humalakhak.

Napangiti na lang ako. Buang talaga 'tong isang 'to.

Grabe oh. Naka chin up ang kuya mo. Astig lumakad. Pormang porma. Pwede na mag-model.” Sabi pa ni Ann saka siya tumawa ulit.

For sure, she's gonna tease him na naman at home. Sabagay, they're like Tom and Jerry kasi.

But it makes me smile. He kept his promise. Ako lang ang hindi.

Bwisit talaga eh! Inis na inis ako! Gusto ko siyang panoorin! But, family first. Hays. Ngayon lang din kasi kami ulit bumisita rito sa province nila grandma eh. Besides, marami raw pasyalan dito na magaganda like sa Hidden Garden, Baluarte, even the Calle Crisologo raw maganda especially at night. So I think hindi naman siguro ako mabobored. Plus, ang tagal ko na rin hindi nakakabonding sina grandma.

Tawag ka ulit mamaya. Itetext kita. Nagpapalit sila. Okay?” Sabi ni Ann kaya ngumiti lang ako at tumango. Huwag kang mag-alala. Siguradong mananalo siya.”

Tapos binabaan na niya ko. Wala. Nagbasa na lang ako ng wattpad. I am currently reading yung Wake Up or Sleep by TianaVianne. One of the best authors I know. Nakakaiyak 'tong story, sa totoo lang. Hindi ko alam kung ilang balde na ng luha naiiyak ko. Pero, 'yon yung gustong gusto ko mostly eh. Unlike others na mas gusto palaging masaya, ganito ganiyan. Mas gusto ko yung mga nakakaiyak na scenes kasi nakakarelate ako. Nagagawa kong iiyak yung luha na ayaw lumabas kapag naiiyak ako. Nakakagaan ng pakiramdam kapag umiiyak ako. Feel na feel ko yung scene.

Pero, sa totoo lang, ito rn talaga ang isang dahilan. Naniniwala kasi ako na after those pain, after those tears, may kasunod na happiness. Na hindi naman matatakasan masaktan, umiyak, o ano. Pero after non, alam kong makakaranas din ng happiness na deserve after those heartaches.

But me? I really don't believe in fairy tale endings. Kasi tayo naman ang gumagawa ng sarili nating story. They even say, si God ang gumagawa ng story natin. Perhaps yes, because siya ang nakakaalam ng kung anong magiging tayo. But, you know, our story is also in the palm of our hand By the decisions we choose. Our ending lies in our own hands.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon