CHAPTER 23

817 26 0
                                    

MARIUS' P.O.V.

She succeeded to pull me up into the starry skies of her laughter and smiles.

I bet no one can even fathom how I met her whilst walking out through the dreariest torrents of despair and amid the slandering shrieks of defeats and wickedness. Nevertheless, outshining all the scratches, blemishes, and scars of a bitter yesteryear which almost had me dwell in tremendous pain, a vast frame sparked for a new moon of futures beside her that beckons here in a dazzling realm at the later part of the rainbow. Eternal bliss— I wish we would dwell in a blissful ever after as she lifts me up to dance with her underneath the downpour of glittering gazes and sparkly butterflies. And of course, I'd do whatever I can to paint lasting happiness on not just her lips, but also in her eyes and soul. Undeniably true, sure, I am undoubtedly in love with this woman in already.

Simply because when it all seems to be turning gray throughout my universe, she shows up as the shade of yellow. As she embraces all of my weaknesses and adore all of my cuts and bruises, she pour moonbeams in my soul. Whenever you hold me tight throughout the dark of winter, she bring me all the hues blended into just one. Wjenever she sweep away all of my doubts in life, she grants me boundless solace.

She is my rainbow after the storm, my four-leaf clover in the midst of despair.

“Dito ka na lang muna. Bibili lang ako ng makakain natin, ha?” Sabi ko at tumango naman si Sherickha at ngumiti, saka ako pumila.

Alam ko na ang gusto nun kahit hindi ko na kailangang tanungin.

Pagdating ko sa may bayaran, medyo mahaba yung pila.

“Omg, Marius, mauna ka na.”

“Oo nga. Okay lang samin.” 

Sabay pa silang humagikgik. Tss. Kung hindi lang sana babae 'tong mga 'to, baka nasuntok ko na. Ang daming kaartehan.

“Sabi niyo eh, salamat.” Kibit-balikat na sagot ko saka na 'ko nauna sa pila.

Ayoko din namang paghintayin ng matagal si Sherickha. Kaya pagkatapos kong magbayad, napatingin ako sa table namin. Nandun si Marcus.

For a minute, aaminin ko, natatakot ako. May nararamdaman pa rin akong takot. Kasi alam kong mahirap mawala yung nararamdaman niya para sa kapatid ko. Matagal-tagal niya ring minahal si Marcus, kaya imposible na mapalitan ko siya nang ganun kadali. Natatakot ako na dumating yung araw na...siya ang piliin niya at hindi ako.

Lumapit ako ng kaunti para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Gusto ko lang malaman.

“Sigurado ka ba sa desisyon mong bibigyan mo siya ng isa pang pagkakataon?” Tanong ni Marcus.

“Oo. Sigurado na ako sa desisyon ko.” Kaagad na sagot ni Sherickha sa kaniya.

Napatawa ng mahina si Marcusnat nag-iwas siya ng tingin.

“Bakit?” Tanong niya na siyang ikinagulat ni Sherickha.

“Anong bakit? Kasi—”

“Bakit nagawa mo siyang pagbigyan? Samantalang ako hindi mo binigyan ng isa pang pagkakataon para patunayan sa'yo na mahal na mahal na mahal kita.” Pagputol niya sa sasabihin ni Sherickha.

Rinig ko sa boses niya ang lungkot at pagsisisi. Alam kong mahirap para sa kaniyang bigkasin 'yon, pero nagawa niya pa ring itanong. At sa nakikita ko, paiyak na ang kapatid ko.

Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganyan. Huling beses ko siyang nakitang ganiyan ay dahil kay Janina. Kaya masasabi kong, siguro nga, totoong mahal niya si Sherickha. Hindi lang kagaya nung pagmamahal na naibigay o naramdaman niya para kay Nina, pero higit pa roon.

Mapaglaro ang tadhana. Bakit kailangan naming mahulog sa iisang babae lang?

“Marcus, nag-usap na tayo tungkol dito, hindi ba?” Sambit ni Sherickha.

Nanatiling tahimik si Marcus at sa tingin ko'y nag-aantay ng sagot sa tanong niya.

“Alam mo Marcus, siguro lahat naman ng tao, deserve ang second chance after magkamali. Lahat nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. I mean, maybe it's not like the chance I gave to your brother. Kundi, 'yon yung chance na maghanap o mapansin ang ibang tao na nandiyan at nagmamahal sayo.” Sabi ni Sherickha.

Napabuntong-hininga siya at hinawakam ang kamay ni Marcus, saka niya ito nginitian. Pero sa mga mata ng kapatid ko, kitang-kita ko ang lungkot at sakit.

“Maybe we're not really meant for each other Marcus. Siguro, nakalaan ka para sa iba. Yung mamahalin ka at hinding-hindi ka iiwan. Yung pipiliin ka sa lahat ng pagkakataon.” Dagdag pa niya.

Hindi nakasagot si Marcus. Napayuko siya. Mas hinigpitan ni Sherickha ang pagkakahawal sa kamay niya. Kaya napatingin si Marcus sa kanya.

“Marcus, kahit naman hindi kita binigyan ng isa pang pagkakataon, hindi ibig sabihin non na wala ka na rin sa buhay ko eh. We can still be friends. Besides, we're best of friends Marcus. Siguro nga, hanggang dun na lang talaga tayo.” Sabi ni Sherickha.

Pinilit ni Marcus na ngumiti at inalis ang pagkakahawak ni Sherickha sa kamay niya. At alam kong pilit lang ang ngiting 'yon.

“Siguro tama ka. Kung sana mas maaga ko lang narealize na mahal kita, siguro mas hihigit pa sa magkaibigan ang meron tayo ngayon. But I guess, hanggang magkaibigan na lang talaga tayo. At kaya kong mag-give way para sa inyo ng kapatid ko.” Sagot ni Marcus at ngumiti si Sherickha.

“Thank you. So from here, I am genuinely wishing you unceasing happiness with that someone you will meet. I would be brightly smile to see you walk with her while holding each other's hands and capture those sweet smiles shared by the two of you.” Nakangiting sabi ni Sherickha sa kaniya.

“Sana nga, sana.” Nakangising sagot ni Marcus.

“I would be delighted to hear your stories about her on how she completes your day just by telling you good mornings and good nights or even I miss yous and I love yous. My heart would eventually flutter again for you not because I have loved you before, but because I can see your eyes twinkle because of too much happiness.” Sabi ni Sherickha sa kaniya.

Tumango-tango lang si Marcus but I saw how his eyes turned into bloodshot after hearing those words from the girl he loves.

“Pero oras na saktan ka niya o kahit paiyakin man lang, hindi ako magdadalawang-isip na kunin ka sa kaniyaa.” Sabi pa ni Marcus.

Napatawa ako. Hindi ko na ulit 'yon gagawin. Kahit kailan, hinding-hindi na ko uulit sa pagkakamaling nagawa ko.

“Baliw. He won't do that to me. Not again. I'm confident.” Sagot ni Sherickha sa kaniya.

Umiling si Marcus at tumayo na. Ginulo pa niya ang buhok ni Sherickha havang nakatitig ito ng matagal sa kaniya.

“Sige. Mauna na ko. Ingat ka ha? I'll see you around.” Sabi ni Marcus at tumango si Sherickha habang pinapanood maglakad papalayo.

'Wag kang mag-alala Marcus, hinding-hindi ko ma sita sasaktan ulit. Hinding-hindi ko na siya iiwan pa ulit. Hindi na.

Wrong Timing (Completed)Where stories live. Discover now