CHAPTER 21

804 28 1
                                    

MARIUS' P.O.V.

Noong maglakad siya papalayo tinanong ko ang sarili ko kung hindi ba siya nagdalawang-isip na huminto, para lingunin o balikan ako at sabihing parehas ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya. Ngunit dumeretso siya ng lakad, marahil paglimot sa akin ang kaniyang hangad. Kaya naman pinili niyang huwag akong lingunin kahit tinawag ko ang kaniyang pangalan, marahil ganoon siya kadesedidong ako ay kalimutan.

Natatakot ako. Na baka dahil sa isang pagkakamali lang, mawala sa'kin yung pagkakataong ang tagal kong hinintay. Natatakot akong mawala siya sa'kin nang tuluyan. Sobrang natatakot ako.

Without even a doubt, she made me feel special. She turned my days way better than it ought to be. When all I felt to do was scream and cry, she cheered me up. She frequently got me laughing, specifically whenever she knew I was going through a rough time. She ended up missing me when I'm not around, and yet she still missed me whenever I'm nearby. She was the one who kept me sheltered by embracing me between her arms. my universe would always be magical as long as I have her. And thereafter, I wondered to myself, "who wouldn't have been overjoyed to have this woman?"

Umalis ka na rito. Hindi siya lalabas para kausapin ka.” Tiim-bagang na bungad sa'kin nu Kuya Sean pagkalabas niya ng gate.

Pero hindi ko 'yon ininda at tinanaw ang bintana sa kwarto ni Sherickha. Alam kong gising pa siya dahil nakabukas pa ang ilaw niya.

Sherickha, kausapin mo naman ako oh!” Sigaw ko na may pagsusumamo, nagbabaka-sakaling makinig siya sa'kin.

"Umalis ka na!” Sigaw sa'kin ni Kuya Sean saka niya 'ko itinulak, pero hindi ako nagpatinag.

Sherickha please!” Sigaw ko at dahan-dahang tumulo ang luha ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Sean. He must be so disappointed in me.

“Marius, umuwi ka na. Huwag kang mag-eskandalo rito.” Pakiusap ni Kuya Sean.

Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang pakiusapan.

Kuya Sean, nasaan si Sherickha? Kuya please gusto ko lang siyang makausap. Please kuya.” Pagmamakaawa ko pero hindi sumagot si Kuya Sean at tinitigan lang niya ako.

Kung nakakamatay lang ang tingin, tangina kanina pa ko patay dito. Pero naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Naiintindihan ko.

Kuya please, nagmamakaawa ako kuya. Please.”

Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Lumuhod sa harapan ni Kuya Sean.

Kuya please, hayaan mo kong magpaliwanag kay Sherickha. Please, tulungan mo naman ako oh.” Pagmamakaawa at pagpupumilit ko.

Pero nagulat ako nung bigla niya akong itulak nang malakas, dahilan para mapahiga ako sa daan.

“Hayaan? Hayaan kitang magpaliwanag sa kapatid ko? Tangina mo Marius. Naririnig mo ba ang sarili mo?!” Sigaw niya sa'kin.

Kuya!”

“Go inside Sherickha! I told you to stay in your room!” Sigaw sa kaniya ni Kuya Sean.

“Pero kuya—”

“Go back inside!” Pagputol ni kuya Sean sa sinasabi niya at walang nagawa si Sherickha kundi pumasok ulit sa loob.

Ibinaling ni Kuya Sean sa'kin ang tingin niya at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Galit na alam kong hindi maaalis ng kahit isang milyong paghingi ko ng tawad.

“At ikaw! Pinagkatiwalaan kita kasi akala ko hindi mo lolokohin ang kapatid ko. Nagtiwala akong hindi mo gagawin ang ginawa sa kaniya ng kapatid mo! Pero mali ako eh. Mali ako na nagtiwala ako sa gaya mo!” Galit na sabi niya, hindi maitago ang galit sa tono ng boses niya.

Kuya Sean—”

“Tapos ano? Sasabihin mo ngayon na hayaan kitang kausapin ang kapatid ko? Sinong ginago mo? 'Wag na 'wag ka nang lalapit sa kapatid ko kahit kailan Marius. Ako ang makakalaban mo.” Mariing sabi ni kuya Sean at napayuko na lang ako.

Tangina. Ayoko siyang mawala sakin. Gusto ko lang marinig niya yung side ko.

“Umalis ka na!” Sigaw ni kuya Sean pero nanatili akong matigas.

“Hindi ako aalis dito kuya hangga't 'di ko siya nakakausap.” Determinadong sabi ko.

Bahala kang gago ka. Wala kang aasahan sa'kin.” Sambit niya saka na siya pumasok sa bahay nila.

Maghihintay ako. Kahit umagahin pa 'ko dito wala akong pakialam.

Mas grabe pala talaga 'pag ikaw ang nakarma. Tama nga sila. Kapag pinaglaruan mo ang pag-ibig, ikaw ang matatalo.

Oo, aaminin ko. Nung una hindi naman talaga ako seryoso sa kanya. Oo, inaamin ko balak ko lang siyang gamitin dati. Para...para bumalik sakin si Althea. Akala ko kasi kapag nakita ni Althea na may mahal na kong iba, babalik siya sa'kin. Aaminin niya sakin na mahal niya pa rin ako. Pero tangina. Ang tanga ko. Ang tanga ko, kasi natalo ako sa sarili kong laro. Aaminin ko, best friend lang talaga ang tingin ko kay Sherickha. Pero lahat ng ipinakita ko sa kanya ay totoo. Kapag pinagtatanggol ko siya, totoo 'yon. Dahil ayokong nasasaktan ang best friend ko.

Pero, tangina. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kaniya. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Oo, may pagkamaldita siya. Pero nawawala 'yon kapag nakita mo na yung mga positive sides niya. Masaya siya kasama. Madaldal pero may sense ang dinadaldal. Palabiro. Palatawa. Palangiti. Maalaga. Higit sa lahat, mapagmahal siya.

Oo nagkamali ako. Pero huli na ba ang magsisi? Alam ko kasalanan ko. Pero huli na ba para itama ko ang pagkakamali ko?

Tangina, isa pang pagkakataon. Please.” Bulong ko sa hangin.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Napatawa ako ng mahina. Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Tapos mayagmaya pa, bumuhos ang napakalakas na ulan. Natakpan na ng ulan ang mga luha ko. Sumabay pa ang ulan sa pag-iyak ko.

I tried to count every drop of the rain. Pero hindi ko kaya. Ang hirap. Ganon kahirap para sakin na mawala siya.

I'm afraid that one day, she will be someone else's home. And that being said, I am jealous and envious of the man who could win her heart. I wish I could be him and keep her hands in mine. I hope I could be that man and cheer her up so she could smile at other people. I wanted to be him and embrace her and drown her sorrows gone everytime she's having a rough moment. I want to be the man who can have her heart so I would be the one whom she calls her home.

And there's only one word, seven letters shorter, yet I couldn't even speak it. For a little while, I felt tongue-tied. I didn't want to say it. I lose the guts to speak about any of it. Since that day, I've known buried deep in my soul that I'll never be prepared to utter it, regardless if I have to.

“Please don't make me say it. Please don't mention any of it to me. Such words bring tears to my eyes and shreds my entire existence.” Bulong ko sa hangin habang nakatitig sa bintana ng kwarto niya at nasaksihan ang pagpatay niya ng ilaw.

Ganoon ba? Magiging ganoon ba kadilim ang mundo ko kapag nawala siya?

Wrong Timing (Completed)Where stories live. Discover now