CHAPTER 12

957 29 2
                                    

MARIUS' P.O.V.

Masaya na makilala siya. Masaya na mapalapit ako sa kanya. Masaya na makausap at makasama ko siya. Pero naging mas masaya na pinayagan niya kong ligawan siya.

Bata pa lang kami, may gusto na ko kay Sherickha. Pero, bata pa lang kami ay alam na naming may gusto na siya kay Marcus.

Naalala ko pa dati nung umamin si Sherickha na may gusto siya kay Marcus. Magkakasama kaming apat nun. Si Marcus, ako, si Althea at Sherickha.

‡ FLASHBACK ‡

Nandito kami sa bahay na pinagawa ng parents naming apat. Dito kami palagi kapag nasa business trip ang parents namin. May sarili kaming playground dito. Kaya kahit wala ang parents namin okay lang. May sari-sarili naman kaming yaya at bodyguards.

"Besty dun tayo oh!" Sabi ni Althea kay Sherickha.

"Mamaya na besty! Dito muna ako sa swing!" Sabi naman ni Sherickha.

Ako nasa slide ako. Si Althea nasa seesaw. Si Sherickha nasa swing. At si Marcus ay nasa tree house at nagbabasa ng mga libro.

"Marcus, itulak mo 'tong swing dali!" sabi ni Sherickha.

"Ikaw na lang." malamig na sagot ni Marcus.

Ganyan naman palagi yan eh. Ewan ko ba diyan. Kung gaano ako kadaldal, ganun siya katahimik.

"Ako na lang!" sigaw ko kay Sherickha.

"Huwag ka ngang epal Marius! Hmp!" sabi ni Althea sakin.

"Bakit ba?!" sigaw ko kay Althea.

"Huwag ka ngang umepal sa kanila!" Sigaw sakin ni Althea.

"Ang ingay niyo! Panira naman kayo eh!" inis na sabi ni Sherickha samin.

Ngumisi lang si Marcus. Bumaba sa swing si Sherickha at pumunta kay Marcus.

"Akin na nga 'yan!" sabi ni Sherickha tapos inagaw niya yung libro na binabasa ni Marcus.

Napatayo naman si Marcus dahil dun. "Ano ba Sherickha?! Kung gusto mong maglaro, maglaro ka! Wag mo kong pakialaman!" sigaw ni Marcus sa kanya.

Napatayo na rin ako at pumunta sa kanila.

"Huwag mo siyang sigawan Marcus!" sigaw ko sa kapatid ko saka ko siya tinulak. "Ano bang problema mo ha?! Gusto lang naman makipaglaro ni Sherickha sayo ha!" sigaw ko sa kanya.

"Pasalamat ka ayaw kitang patulan Marius!" sigaw ni Marcus sakin

Tinulak ko siya ng isang beses pa.

"Marius!" sigaw ni Sherickha sakin.

"Tama na 'yan ano ba. 'Wag kayong mag-away!" sigaw ni Althea samin.

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol ha Sherickha?!" sigaw ko kay Sherickha.

"Huwag mo siyang sigawan Marius!" sigaw sa akin ni Althea.

"Tumahimik ka Althea kung ayaw mong ikaw ang awayin ko dito!" sigaw ko kay Althea.

"Stop shouting at her bro or else papatulan na talaga kita!" sigaw ni Marcus sakin.

Hinarap ko si Marcus at tinulak ko ulit siya. "Edi gawin mo!" hamon ko sa kanya.

Lumapit sakin si Marcus at sinuntok ako ng malakas kaya napahiga ako sa damuhan.

"Marius!" Sigaw ni Althea saka siya lumapit sakin. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya pero hindi ako sumagot at tinignan ng masama si Marcus.

Tumayo ako at sinuntok siya pabalik.

"Marcus!" sigaw ni Sherickha saka siya tumakbo papalapit kay Marcus at tinulungan siyang tumayo.

"Marius ano ba?! Tama na nga 'yan!" sigaw ni Sherickha sakin.

"Pinagtatanggol mo pa siya?! Siya pa ang ipagtatanggol mo Sherickha?! Bakit?!" sigaw ko.

"Siya ang ipagtatanggol ko kasi siya ang gusto ko!" sigaw ni Sherickha sakin.

Lahat kami napatingin sa kanya. Kahit si Marcus nagulat sa sinabi ni Sherickha.

Bakit sa dinami dami ng pwede niyang magustuhan yung kapatid ko pa?

"You....what?" hindi makapaniwalang tanong ni Marcus sa kanya.

"Ikaw yung gusto ko! Hindi mo ba makuha yun Marcus? Hindi mo ba maramdaman?!" sigaw ni Sherickha

"No. Stop that nonsense feeling Sherickha." sabi ni Marcus.

Ano?! Nonsense pa ang tawag niya dun!?

"Nonsense?! Ganun lang para sayo yun Marcus?!" sigaw ni Sherickha saka na siya umiyak.

"Oo. Tigilan mo na 'yan Sherickha. Wala kang mapapala sakin." sabi ni Marcus saka na siya tumalikod at umalis.

‡ END OF FLASHBACK ‡

Mula nung araw na yun, mas naging cold pa si Marcus. Pero nagpapansinan pa din sila at hanggang ngayon wala pa ding pakialam si Marcus sa nararamdaman ni Sherickha.

"Hoy! Lalim ng iniisip mo ah. Ano ba 'yan?" tanong ni Sherickha saka siya tumabi sakin.

"Wala naman. Masaya lang talaga ako na pinayagan mo kong manligaw sayo." sagot ko saka ko siya nginitian.

Ngumiti siya pabalik sakin.

"Nililigawan mo siya?" tanong ni Althea na kararating lang.

"Oh bes, nandiyan ka pala!" sabi ni Sherickha sa kanya.

"Nililigawan ka niya?" tanong ni Althea kay Sherickha.

"Oo. Bakit masama ba?" sabat na tanong ko sa kanya.

Alam ko namang babarahin na naman ako nyan eh. Dun naman siya mahilig. Ang barahin ako.

"Ah. Haha. Congrats sa inyo. Bagay kayo. Haha. Ano, ahm. Mauna na ko. May lakad pa pala ako. Hoy ikaw ingatan mo yang best friend ko ah?" sabi ni Althea sakin saka na siya umalis.

"Nangyari dun?" nagtatakang taanong ni Sherickha sakin.

"Ewan." sagot ko.

"Hays. Jollibee tayo!" sabi niya sakin.

"Sige, tara. Dinala ko naman kotse ko ngayon eh." sagot ko

Ngumiti lang siya.

Nakita ko sa likuran ni Sherickha si Marcus. Nakatitig siya samin at parang galit. Tsk. Bakit naman siya magagalit? Siya ang nagtulak palayo sa taong nagmamahal sa kanya.

Titingin sana sa likod si Sherickha, pero pinigilan ko siya.

"Ah, ano. Tara na." sabi ko saka ko na siya hinila.

Alam ko namang hindi kami para sa isa't isa, pero sa ngayon akin na muna siya.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon