CHAPTER 14

943 29 0
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

Agad akong nagmaneho at iisang lugar lang ang pwede kong puntahan eh.

"Bakit ganon? Kasalanan ko ba talaga?" bulong ko sa sarili ko.

Para akong tanga rito. Kausap ang sarili. Tinatanong ang sarili. Kinwekwestyon ko ang sarili ko matapos kong maalala lahat lahat.

Hindi ko mapigilan umiyak at pagtawanan ang sarili ko. Ako na yata ang pinakatangang tao. Mukha bang sasagot yung patay?

"Kasalanan ko ba talaga ang pagkamatay mo Nina? Kasalanan ko ba kung bakit ka nawala?" Tanong ko habang nakatitig ako sa puntod niya. "Kung kasalanan ko, kunin mo na lang din ako oh. Isama mo na ko diyan." Sambit ko saka ako tumawa ng mahina.

Kung sana ako na lang yung nawala, baka sakaling hindi nagkaroon ng lamat ang samahan naming lahat. Sana, masaya pa rin silang lahat.

If only I was the one who died and Nina survived, then maybe, it's not like this. Our lives won't be as miserable as how it is right now.

"Sana ako na lang pala ang namatay noh? Sana ako na lang ang nawala at hindi ikaw."

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng mapakla, saka ko hinawakan yung puntod ni Janina.

Janina Glynette Madriaga.

My bestfriend, my cousin.

"Janina alam mo naman diba? Ginawa ko lahat para tulungan ka. Ginawa ko lahat para maligtas ka. Pero, pinili mo yung mahulog kasi sabi mo ayaw mong nakikita na nahihirapan ako diba?" Umiiyak na sabi ko.

Since that incident happened, ni ayaw ko nang magpunta sa matataas na lugar. Takot na takot ako. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga.

"Nandun kami ni Althea. Sinubukan namin lahat para iligtas ka. Nagkataon lang na ako ang hindi pa lasing npon at si Althea halos 'di na niya kayang gumalaw. Pero sinubukan niyang tulungan ako."

Pilit kong ibinabaon sa limot ang lahat dahil tila isang bangungot ang pangyayaring iyon. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi na yata 'yon maaaalis sa isipan ko.

"Janina, I'm sorry." Umiyak ako habang hinahaplos ang lapida niya. "Sorry kasi hindi ko nagawang iligtas ka. Edi sana hindi ganito ka-cold si Marcus ngayon. I'm sorry kung hindi ko nagawa yung favor mo. Sorry hindi ko natupad yung pangako ko sayo. Sorry Nina. I'm sorry."

Humagulgol ako saka ako napapikit at umiyak.

Nagfla-flashback sakin yung nangyari 5 years ago. Hindi ko makalimutan. We were too young way back then and that was a mistake. A horrorful mistake.

FLASBACK FIVE YEARS AGO ‡

Nandito kami sa condo ng ate ni Janina. Pinagpaalam namin na dito muna kami dahil birthday naman niya. Kesa sa labas pa kami mag-celebrate.

Tatlo na lang kaming naiwan. Sina Marius at Marcus umuwi na kasi pinapauwi na sila ni Tita.

"Kita mo na Ricks. Sabi sayo eh, si Althea ang unang malalasing sating tatlo." Natatawang sabi ni Nina saka niya tinignan si Althea.

Nagtawanan kaming dalawa. First time naming uminom at nagpustahan kami kung sinong unang malalasing. And I guess, I was right too? Si Althea ang naunang nalasing.

"Ikaw may tama ka na din Nina. Halika na sa loob. Mamaya mahulog tayo dito. Mahirap na." Sabi ko sa kanya saka ko iniabot ang kamay ko sa kanya.

Nandito kasi kami sa rooftop.

"Hindi 'yan, ano ka ba. Dito muna tayo." Sagot niya sakin saka siya tumingala sa langit.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon