CHAPTER 19

883 28 0
                                    

MARCUS' P.O.V.

Susubukan ko siyang kausapin. Baka sakaling bigyan pa niya ko ng chance. Who knows diba? Hindi naman masama ang sumugal eh. Besides, I'd rather regret because I tried than to regret without doing anything at all.

At ang tanga ko kasi ang bagal ko kumilos. Sana noon pa lang narealize ko nang gusto ko siya. Pero tangina. Mas pinairal ko kasi yung pride at galit ko.

Sobrang mahal ko si Janina, alam kong alam niya 'yon. At sinabi ko rin non na kahit kailan ay hindi ako magmamahal ng iba, na higit pa sa pagmamahal na binigay ko kay Nina. Pero mali ako. Mali na naman ako.

Nina and I had a big fight way back then. Ipinagpipilitan niya sa'king gusto ko si Sherickha. Na higit pa sa isang kaibigan ang tingin ko sa kanya. I asked her how can she say that when I was so loyal to her during our relationship. But she told me that she knows me well. She knows me too well that she even knows how I feel. She told my that my eyes never lied and I looked differently at Sherickha.

Isinawalang bahala ko 'yon dahil alam kong wala lang. Sinabi ko sa sarili kong hindi 'yon totoo. Na si Janina lang ang mahal ko. Hindi maman kasi posibleng magmahal ng dalawang tao sa isang pagkakataon lang, hindi ba?

"Saan ka na naman pupunta Marcus?" Tanong ni Manang Saling sa'kin bago ko pa mabuksan ang gate.

"Ah, diyan lang po sa tabi-tabi. Magpapahangin po ako." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sama ako!" Bigla ay sigaw ni Ann na hindi ko alam kung saan nanggaling at bigla na lang sumulpot.

"No." Inis na sagot ko na siyang ikinangisi niya.

"Sige ka. Malay mo matulungan kita diba? Tag me along!" Pagpupumilit niya.

Saglit ko siyang tinitihan ng masama, pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Napairap na lang ako at napabuntong-hininga saka ko binuksan ang gate. Hindi na ko nagsalita pero alam kong nakuha na niya ang sagot ko.

"Alam ko namang iba ang pupuntahan mo eh." Sambit niya saka niya ko bahagyang hinampas sa braso.

"Oo na lang." Tipid na sagot ko since hindi naman kasi talaga ako palasalita.

"Ano? Narealize mo na? Hays. Tanga mo kasi." Bigla ay sabi niya saka siya umiling-iling.

"Isa pa, sisipain na kita palabas ng kotse ko!" Sigaw ko sa kaniya saka ko siya inirapan.

"Sungit. May dalaw ka ba ngayon?" Pang-aasar pa niya saka siya tumawa na mas lalong ikinainit ng dugo ko.

Nakakainis talaga siya kahit kailan. Sana pala hindi ko na lang siya sinama rito!

"Heto naman, 'di na mabiro. Oo na titigil na ko." Sambit niya habang nagpipigil ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin, tapos tumahimik na siya.

"Papuntahin mo na lang siya dito." Sabi ko sa kaniya saka na ako naunang bumaba ng sasakyan.

Nandito kami ngayon sa Jollibee. Alam ko namang gustong-gusto niya dito eh.

"Omki. Sandali lang po boss." Sabi ni Ann tapos tinawagan niya si Sherickha.

Maya-maya pa nakita kong parating si Sherickha. Ang bilis naman niya? Was she roaming around somewhere near here?

Wrong Timing (Completed)Where stories live. Discover now