Chapter Two: The Party

184K 2.4K 187
                                    

Chapter Two: The Party

                Sa unang pagkakataon, ngayon lang yata ako na-bored sa piling isang napakagandang binibini. At kahit anong gawin kong pagko-concentrate sa mga sinasabi niya ay talagang lumilipad ang pasaway kong isipan.

                Narito ako ngayon sa malawak na bakuran ng mga Alejo. Doon ginanap ang wedding anniversary party ng mga magulang ni Pamela. Hindi ko sana gustong pumunta. Bukod sa nakaramdam ako ng katamaran ay mas gusto ko pang mag-stay na lang sa beach house. Ngunit wala naman akong lakas ng loob na tumanggi sa kagustuhan ni Papa. Besides, the Alejos are expecting me. They want me to meet my future wife.

                Riley was right. Pamela is such a beautiful woman. Wala akong maiipintas sa kanya. She is almost perfect. Ngunit hindi ko maipaliwanag sa sarili kung bakit sa kabila ng kagandahan nakikita ko ay hindi ako magkaroon ng interes sa kanya. This is not the usual me. Kailan pa ako tumanggi sa biyaya ng diyos?

                "Are you still with me, Jared?"

                "Huh?"

                "You're not listening." Imbes na magalit ay isang matamis ngiti ang ibinigay sa akin ni Pamela.

                "I-I'm sorry! I never meant to..."

                "It's okay," agap niya sa sasabihin ko. Still smiling at me. "I'm so sorry for making you bored. I'm not really good in chatting."

                "No, no! Don't say that! It's my fault."

                Pero nginitian na naman niya ako at bahagyang inilapit ang mukha niya sa akin. "I think your friends are eager to be with you." Itinuro niya ang mga kaibigan ko na nasa kabilang mesa. "You can go now. And enjoy the rest of the night."

                "But..."

                "My friends are also waiting for me over there." Lumingon siya sa kanyang likuran bago muling tumingin sa akin. "Hope you don't mind?"

                I matched her smile. Kaysa nga naman ma-bored kami sa isat-isa buong gabi, mas mabuti na mag-enjoy kami sa piling ng aming mga kaibigan. Mabilis akong tumayo upang aalalayan siya.

                "Thanks!" Her smile never leave her lips. "Till we meet again, Jared."

                "Same here, Pamela."

                Tumalikod na siya at humakbang palayo sa akin.

                I almost jumped in surprise sa pagsulpot ng mga kaibigan mula sa aking likuran. Bigla na lang nila akong kinuyog.

                "So, it's true?" Tanong ni Vince. "She's the chosen one, right?" Ang tinutukoy niya ay si Pamela.

                Ngumiti lang ako. Hindi naman lingid sa kanila ang tungkol sa kasunduan ng aming mga pamilya.

                "Suwerte mo, pre'!" Tinapik na lang akong bigla sa balikat ni Tyron. "Buong akala namin ay si Patricia ang magiging fiancee mo."

                "Patricia?" Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang yata narinig ang pangalang iyon.

                "She's the youngest sister of Pamela," sagot ni Mark na tahimik lang na nakamasid sa amin.

                "You don't know her, Jared?" Tanong naman ni Vince nang makita ang kalituhan sa mukha ko. Umiling lang ako.

                "Good for you!" Inakbayan ako ni Tyron. "mabuti na lang din at hindi siya ang mapapangasawa mo. Kung nagkataon, tapos na maliligaya mong araw."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now