Chapter Fourteen: Living With Her

110K 1.7K 138
                                    

Chapter Fourteen: Living With Her

 

 

JARED

                Bigla akong napagbalikwas ako sa pagkakahiga. Thank goodness! Panaginip lang pala ang lahat. Para kasing totoong-totoo ang mga nangyari. Subalit nang maisip ko ang malaking posibilidad ay nagmamadali akong bumaba ng kama at lumabas ng silid.

                Napamulagat ako sa nadatnan. Everything is in place at malinis na malinis ang buong paligid. Nakaramdam ako ng relief. Taliwas sa napaginipan ko na magulo at parang dinaanan ng bagyo ang unit ko. Nasaan na nga pala si Patte?

                Nadatnan ko siya sa kusina at naghahanda ng almusal. "Wow!!!" Hindi ako makapaniwala sa mga pagkain na nakahain sa mesa. Mayroong fried rice, omelet, tapa at corn soup. Mayroon na rin nakatimpalang kape at fresh orange juice. "Ikaw lahat ng naghanda ng mga ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang hindi inaalis ang mga mata sa ibabaw ng mesa.

                "Kumain ka na," aniya at inabutan ako ng kutsara at tinidor. 

                Nagsisimula na akong kumain nang mapansin ko na pinapanood lang ako ni Pate. "Hindi ka mag-aalmusal?"

                "Mamaya na lang pagkatapos mo."

                "Ayaw mo akong makasabay?"

                "Ang  mga maid ay hindi sumasabay ng pagkain sa kanyang amo, 'di ba?" Sarkastikong sagot niya.

                I rolled my eyes. "Forget it! Now sit, at sabayan mo ako sa pagkain," itinuro ko ang katapat na upuan. "Besides hindi ko kayang ubusin ang lahat ng ito." 

                Sumunod naman si Pate. Ngunit hindi naman niya malaman kung paano uupo dahil sa naka-cast niyang binti. Nagulat na lang ako nang bigla na lang niyang ihagis ang hawak na saklay at pasalampak na naupo.

                Pinigilan kong ngumiti. I have never seen her this helpless. Ngunit sa kabila ng kondisyon niya ay nagawa pa rin niya ang paglilinis at paghahanda ng almusal. Which is really amazing!

                "Ketchup?" Alok ni Pate.

                Mabilis akong umiling. "Ayoko!"

                "Mas masarap iyan kapag nilagyan mo ng ketchup."

                "Ayoko pa rin," sabay subo ng tapa. "Hindi ko gusto ang lasa n'yan."

                "Eh, 'di huwag!" Hindi na nagpumilit si Pate. Pero patuloy pa rin siya sa pagmamasid sa akin.

                "Masarap 'di ba?"

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now