Chapter Twelve: Babysitters

114K 1.7K 121
                                    

Chapter Eleven: Just Like The Old Times

<Trisha POV>

Kagagaling ko lang sa kusina nang madaanan ko ang dalawang katulong na patagong nag-uusap sa may sulok. Ewan ko ba, pero bigla akong na-curious na pakinggan ang pag-uusap nila.

"Nakabili na ako ng pregnancy test sa botika. Paano ba gamitin ito?" Sabi ni Inday.

"Nakasulat naman dyan sa kahon kung paano gamitin. Ay!" Nabitiwan ng kausap nito ang nasabing kahon at nagpatalbog-talbog iyon hanggang sa harapan ko. Wala naman sa loob ko na pinulot iyon nang bigla na lang may idea na pumasok sa isipan ko.

"Ate, pwedeng akin na lang ito?" Nagulat sila sa sinabi ko. "O kaya bayaran ko na lang. Bumili ka na lang ulit ng isa pa."

"A-ano naman po ang gagawin nyo dyan?" Tanong ni Inday.

"Buntis kayo, Mam?" Usiserang tanong naman nung isa.

Mabilis akong nag-isip ng idadahilan. "Eh... G-gusto ko sanang i-try kay Mengmeng." Ang tinutukoy ko ay ang paborito kong pusa. "Parang buntis kasi siya."

"Di ba, Mam, lalaki yung pusa mo?"

Oo nga noh! Lalaki nga pala si Mengmeng. "Babae kaya siya! Akala mo lang lalaki. Sige na Ate bibilhin ko na lang ito."

Napakamot na lang ng ulo si Inday. "Sige na nga po, sa inyo na lang iyan!"

Ang lapad tuloy ng ngiti ko. Ayos!

Dumiretso agad ako sa kuwarto ni Ate Pamela. Abala siya pagla-laptop nang lumapit ako sa kanya.

"Ate Pam..." Paglalambing ko. "Paano mo nalaman na buntis ka?"

Nagtataka na tumingin siya sa akin. "Why are you asking?"

"Gumamit ka rin ba ng ganito?" Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong pregnancy test kit.

"Saan ka nakakuha nyan?"

"Hiningi ko kay Inday. Bigla kasi kitang naalala. Ate Pam i-try mo ulit. Gusto kong makita kung paano gumagana ito."

"Eh... "

"Sige na, Ate!" Pagpupumilit ko. "Curious lang talaga ako tungkol dito. Please.."

Effective naman ginamit kong strategy. Kinuha sa akin ni Ate Pam ang pregnancy test kit at nagtungo siya sa banyo. 

Nakalabas na ako ng silid ni Ate Pamela ay hindi pa rin maalis-maalis ang ngiti ko sa mga labi. Hawak-hawak ko ang resulta ng pregnancy test ng kapatid. At naihanda ko na rin ang sarili ko sa pagharap sa mga magulang ko. Lakas lang ng loob ang kailangan para magtagumpay ako sa binabalak ko.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now