Chapter Twenty: Second Life

101K 1.7K 201
                                    

Chapter Twenty: Second Life

JARED

                Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin nang magmulat ako ng mga mata. Doon lamang rumehistro sa isipan ko ang nangyari ng gabing iyon.

                Teka! Nasa langit na ba ako?

                "Jared!"

                Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Silly...parang boses iyon ni Pate. Muli akong pumikit. At nang magmulat ako ay ang mukha niya ang bumangad sa akin.

                "P-pate..." Napangiti ako. Okay lang siguro na mamatay ako basta kasama ko siya.

                "Thank god, you're awake!" She said with a worried face.

                "A-are we in heaven?"

                Napakunot-noo siya. "H-heaven?"

                Tumango ako. "Hanggang dito ba naman sa langit ay sinusundan mo ako? Sabi ko na nga ba may gusto ka sa akin- Aray!" Hinampas ako ni Pate sa balikat malapit sa sugat ko.

                "Ngayon mo sabihin na nasa langit ka na!"

                "I believe you now," mabilis na sabi ko bago pa muling maglanding ang mabigat niyang kamay sa akin. She's right. Hindi ako makakaramdam ng sakit kung patay na ako. Saka ko lang din napagtanto na nasa ospital ako. Kaya pala puting-puti ang buong paligid. "Bakit ba kasi sobrang liwanag ng ilaw? Akala ko tuloy ay nasa langit na ako at ikaw ang angel na kasama ko."

                Binigyan ako ng matalim na tingin ni Pate. "Paano mo nagagawang magbiro pagkatapos ng mga nangyari? You almost die. Ngunit parang balewala lang sayo."

                "I'm just thankful that I'm still alive." Maliban sa tama ng bala sa balikat ko ay wala na akong natamo na iba pang pinsala. Although medyo nananakit ang ibang parte ng katawan ko na epekto marahil ng pagkakabugbog sa akin. "And I'm also thankful that you're safe. Iyon ang mas importante sa akin."

                "You're an idiot!" Nagulat ako sa naging outburst ni Patte. " Ang lakas ng loob mong magpaka-superhero, napa-careless mo naman. Sugod ka nang sugod, hindi mo naman pala kaya. Hindi ka nag-iisip. Paano kung tuluyan kang napahamak?"

                "Maiisip ko pa ba iyon? Eh, ikaw nga ang inaalala ko!"

                "Kahit na! Ako, kaya ko ang sarili ko. Eh ikaw?"

                "Hindi mo kailangan sumigaw, Pate," reklamo ko. Kanina pa nananakit ang tenga ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt