Chapter Twenty Nine: His Old Self

87.4K 1.5K 135
                                    

Chapter Twenty Eight: His Old Self

Six months later...

<Trisha POV>

"Ready?" Nangingiti na tanong ko kay Jianne habang hawak ang dulo ng malaking trapal na tumatakip sa malaking bagay na gusto kong isorpresa kanya.

"Cous, huwag mo na akong i-suspense. Dali na! Ipakita mo na sa akin." Obyus na hindi na siya makapag-antay.

Ubod nang lakas na hinila ko ang trapal at tumambad sa kanya ang kulay na itim na sports car.

"Wow!" Halos lumuwa ang mga mata ng pinsan sabay sipol. "Bilib na talaga ako sayo, Cous. Hindi ko akalain na maiibalik mo pa ang Alfa Romeo sa dati."

Napangisi ako at hinagod ng tingin ang sportscar. I feel proud of myself. From red to black. At nagawa ko iyon na parang bagung-bago ulit. Sinong mag-aakala na nanggaling iyon sa isang car crash? 

Ito ang pinagkaabalahan ko pagkatapos kong maka-recover sa aksidente. It took me two months para maiayos iyon sa tulong na rin ng mga tauhan ko sa talyer, except for Jianne. Hindi talaga siya nag-effort na tumulong. Katwiran niya ay wala ng pag-asa ang Alfa Romeo.

"Cous, pwedeng pa-drivetest?"

"No way! Pagkatapos mo kaming hindi tulungan? Asa ka pa na ipahihiram ko ito sayo!" 

"Ang damot mo talaga pagdating kay Alfa Romeo!" Ismid niya. "If I know, sinadya mong i-restore ang sportscar dahil may sentimental value iyan sa'yo. Kunwari ka pa, nami-miss mo lang si Pogi." Halos pabulong niyang sabi pero nakarating pa rin sa pandinig ko. 

Kung malapit-lapit lang ang pinsan sa kinaroroonan ko ay nahila ko na sana ang buhok niya.But I think Jianne is right. Hindi ko pagtitiyagaan na ayusin ang kotse kung hindi iyon mahalaga sa akin. 

At mahalaga rin sa akin ang nagbigay nun.

Narinig kong tumunog ang cellphone ni Jianne. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ito sa akin. "Cous, si Ate Lara! Patay tayo!"

"Sagutin mo. Sabihin mo, on the way na tayo." Pati tuloy ako ay nataranta. Nawala sa isip namin ang tungkol sa engagement party ng ate niya. It's already past seven. Siguradong nag-uumpisa na ang party. Knowing her super arte na big sister, kailangan ay maaga pa lang ay naroon na kami sa haws nila para raw maayusan kami ni Jianne. Hate na hate niya kasi ang fashion sense naming dalawa.

Para mabilis kaming makarating sa bahay nila ay nagtiisa kaming motorbike at pinaharurot namin iyon sa kalsada.

"Sabi ko na nga ba at dito kau makikita na dalawa." Sabi ng baritonong boses na pamilyar na pamilyar sa amin ni Jianne.

Pareho kaming nagulat sa pagsulpot niya. Tuloy ay napabitiw ako ng di-oras mula sa sanga na kinakapitan ko. Naunang bumagsak si Jianne. Halos mapaupo siya sa semento. Pagbagsak ko naman ay mabuti na lang ay nasalo ako ni Mark. 

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now