Chapter Twenty Five: The Big Day

86.3K 1.4K 104
                                    

Chapter Twenty Five: The Big Day

JARED

                "What?" Bigla akong napalingon kay Tito Patrick sa narinig. Kararating lang namin mula sa business trip sa Davao. Palabas na kami ng airport nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mark. "What do you mean she is missing?" Sinaklot ng pag-alala ang dibdib ko sa narinig.

                Hindi sinagot ni Mark ang tanong ko. Basta ang sabi niya dumiretso na agad kami sa mansyon ng mga Alejo. Doon na lamang daw niya sasabihin ang iba pang detalye. Mas lalo lamang tuloy akong kinabahan.

                "What is it, Jared?" Nagtataka na tanong sa akin ni Tito nang makita ang reaksyon ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Pero karapatan niyang malaman ang tungkol doon.

                "T-trisha... is missing."

                Nakita ko ang takot na nagdaan sa kanyang mga mata. "L-let's get home...immediately!" Nagpatiuna na siya sa loob ng sasakyan.

                "Dalawang araw na palang nawawala si Pate, bakit ngayon mo lang pinaalam sa akin?" Naiirita kong asik. Gusto kong suntukin si Mark pero pinigilan ko ang sarili. Paano niya nagawang maging kampante sa kabila ng pagpa-panic ng lahat.

                "I tried. Pero pinigilan ako ni Tita Elvira." Nilingon niya ang Mommy ni Pate na kanina pa umiiyak habang nasa tabi ang kanyang asawa. "Ganon na lamang ang takot niya sa magiging reaksyon ni Tito Patrick. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Trisha. Madalas siyang hindi umuuwi ng bahay kung kailan niya gustuhin."

                "Anong ibig mong sabihin? Na wala akong dapat ipag-alala? Damn it, Mark! Hindi nga natin alam kung nasaan siya. Walang makapagsabi kung saan siya nagpunta. At kahit ang mga pulis ay walang lead sa paghahanap sa kanya. Hindi ko kayang tumayo na lang rito at maghintay na lang sa pagbabalik niya!"

                "Nag-aalala rin ako para kay Trisha. Pero mas higit na kilala ko siya kaysa sayo.  She had her own reason kung bakit gusto niyang mapag-isa. She will come back soon."

                "May nangyari ba kay Pate na hindi ko alam?" Nagdududa na tanong ko. Bukod kay Jianne ay si Mark lang ang alam kong malapit sa dalaga. At kung mayroon man isiyang kinakaharap na problema alam kong si Mark ang una niyang lalapitan. "Tell me, is there something wrong with her?"

                Naging mailap ang mga mata ng kaibigan. "Siguro nga dapat mo rin malaman ang-"

                "Trisha!"

                Napalingon kaming lahat sa pintuan.

                "Trisha!" Humahangos na sinalubong ni Tita Elvira ang anak. "Where have you been? Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo ba na masyado mo kaming pinag-alala."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now