Chapter Nineteen: Savior

103K 1.5K 89
                                    

Chapter Eighteen: The Real Knight

<Trisha POV>

Abala ako sa pagkukumpuni ng makina ng kotse nang tapikin ako ni Jianne. Mayroon siyang ininguso sa akin. Nang sundan ko nang tingin ang itinuro niya ay nakita ko si Jared na patungo sa kinaroroonan namin. Malayo pa lang ay parang aso na nakangisi ang loko.

"Got to go." At pasimpleng umalis si Jianne bago ko pa siya mapigilan.

"Hello gorgeous!" Masiglang bungad ni Jared na hindi ko na ikinagulat.

"What are you doing here, Monreal?" I gave him a cold glance.

"Monreal again? Akala ko ba, Patte ay okay na tayo?"

Binigyan ko siya ng 'Kailan ba tayo naging close?'na look.

Tila nang-aasar na lalo lamang lumapad ang pagkakangiti ni Jared. "Ang sabi sa akin ni Nanay Ising ay nandito ka raw sa talyer. Kailan ka pa bumalik dito?" Bakit ba kung umakto siya ay parang walang nangyari sa aming dalawa roon sa birthday party niya?

Binalik ko ang atensyon sa kinakalikot na makina. Bukod sa hindi ko gusto na makita siya ay wala rin ako sa mood na kausapin siya.

"Huy Patte!" Bigla na lamang niya akong tinusok sa tagiliran. Sa gulat ko ay napatuwid tuloy ako ng tayo at nauntog ang ulo ko sa nakataas na hood ng kotse.

Pucha! Nasapo ko ng di-oras ang ulo ko.

"I'm sorry!" Mabilis akong dinaluhan ni Jared. Kinabig niya ako palapit sa kanya at hinimas-himas ang ulo ko. Naramdaman ko pa nga na hinalikan niya ako roon.

Binigwasan ko siya sa sikmura. Pero mukhang hindi ko naman siya napuruhan.

"Hindi ko sinasadya, Patte. Sorry na."

Saan ka naman nakakita na habang humihingi ng sorry ay nakangiti? Lalo lamang niyang pinag-iinit ang ulo ko.

"Sabihin mo na kung ano talaga ang sadya mo sa akin. Bukod sa marami akong ginagawa ay nakakaistorbo ka na." Sapu-sapo ko pa rin ang ulo ko. Pakiramdam ko kasi ay nabutas ang bumbunan ko sa pagkakauntog.

"Susunduin kita mamaya." Umangat ang kamay ni Jared at may kung anong pinahid sa pisngi ko bago pa ako makaiwas.  "Gusto kong sabay tayong pupunta sa dinner-"

Tinapik ko ang kamay niya. "I have my car at kaya kong magpunta mag-isa." Ang tinutukoy niya ay ang dinner na sinet-up ng mga magulang namin na kasama sila. At magmula kanina ay nakakasampung tawag na sa akin si Mommy para i-remind sa akin ang tungkol doon.

"Susunduin pa rin kita. Maghihintay ako sa bahay ninyo." Balewalang sagot ni Jared at muling umangat ang kamay niya patungo ko sa mukha ko. Ngunit bago pa niya ako mahawakan ay natapik ko na ang kamay niya.

Binigyan ko siya ng warning look. "Hindi ako uuwi sa amin."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now