Chapter 7

8.4K 368 0
                                    


Chapter 7

"Ayoko!!" Sigaw ko habang pinipilit akong hilahin ni Sowie palabas ng kwarto.

"Dali na kasi, magpaayos na tayo.. Samahan mo ako!!" Sigaw niya rin, at pilit pa ring hila sa aking kamay. "Sumama ka na kung ayaw mo, dadaanin kita sa dahas.." sabi niyang yun sabay pumamaywang. Taas-baba ang kilay niya saka lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga ako, sa wakas sumuko na rin siya. Babalik na sana ako ng pagkahiga kanina nang biglang bumukas ang pinto at may dalawang naglalakihang katawan ang pumasok.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko pero di sila nagsalita at bigla na lang akong binuhat nung isa sa kanyang balikat. Nagkukumawag ako. "Anong ginagawa niyo? Ibaba niyo ako!!" Sabay hampas sa ulo nung lalaki. Narinig ko na lang na tumatawa si Sowie. "Ano 'to?" Tanong ko.

"Sabi ko sa'yo e, gagamitan kita ng dahas." Sabay kindat niya.

"Aahhh.. Hindi! Ibaba niyo ako!!" Sigaw ko kasabay ang pagtawa niya.

"Bilis! Dalhin sa kotse yan!!" Ilalabas na nila ako sa kwarto nang mapahawak ako sa pinto ngunit sadyang hindi ko nakaya ang lakas nila. Kaya buhat ako nung lalaki hanggang sa makalabas kami. Pinagtitinginan tuloy kami.

Sumakay na si Sowie sa driver seat at isinakay na ako dun sa kabila. Wala na akong nagawa dahil nailock niya na ang pinto pati naisarado niya na ang bintana.

"Bakit mo 'to ginagawa sa akin?" Himutok ko, naramdaman ko na lang nang hawakan niya ang dulo ng mga buhok ko.

"Eeeewww.. ang dry ng buhok mo, sabog na yang labi mo sa pagkatuyo, ang kapal din ng kilay mo, pati masyado nang oily nang face mo.."

"O sige lait pa.." tumawa siya saka sinuot niya yung seatbelt.

"Ilagay mo na seatbelt mo Best. Kaya nga magpapaganda ka e. Tara na! I'm so excited.." excited na sabi niya, malungkot naman akong nilagay sa katawan ko ang seatbelt nang paandarin niya ang makina at iharurot ang kotse.

"Dahan-dahan naman! Gusto ko pang mabuhay!!" Sigaw ko saka siya tumawa, halos mapahiga na ako sa bilis niyang magpatakbo at magkauntog untog sa tuwing paliko ang daan.

----

"Ano ba yan?" Reklamo nung bading na nag-aayos ng buhok ko. "Nagsusuklay ka ba Hija?" Tanong niya, tumango ako at pilit na ngumiti. Sabay sinulyapan ko si Sowie na nagpapamanicure lang.

Habang inaayusan ako ng buhok nung bading, napapangiwit na lang ako sa sakit kapag mahihila niya ang anit ko. Grabe naman si Kuya, ayaw ingatan ang pinakamamahal kong buhok.

Nang matapos kami sa buhok ko, tapos na ring magpamanicure si Sowie. Nakatingin na lang siya sa akin habang binubunutan ako ng kilay.

"Aarrrrayyyy!!" Sigaw ko nang may binunot, "arrray naman! Araayyyy.. Arrruyyy! Grabe arayyy.." yun na lang ang nasabi ko habang pinagtatawanan ako ni Sowie. Sige tawa pa, "Aray!!"

Pumalakpak pa siya ng matapos kami, para akong pinatay ng paulit-ulit nun. Ayoko nang magpabunot ng kilay, magsusunog na lang ako. Huhuhu..

"Make up na." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko sa bigla.

"Anong make up?" Tanong ko, ngumiti siya at kumuha ng make up kit.

"Edi make up, ako na magmemake up sa'yo Best, para di ka mailang.." umiling iling ako.

"Ayoko!!" Nakita ko siyang sumimangot at sinenyasan niya yung mga tauhan sa parlor.

"Hahawakan ka nila o magpapamake up ka?" Tanong niya, nakatingin ako sa mga seryosong mukha nung mga tauhan ng parlor. Wala na akong magagawa kaya..

"Sige na nga." Agad siyang lumapit sa akin, at sinimulan akong lagyan ng mga kung ano-anong powder sa mukha ko. Nilagyan din ako ng eyeliner, mascara at ang pinakahuli. Lipstick.

"Medyo, simpleng kulay lang ilalagay ko sa'yo." Saka niya ako nilagyan. "Ayan tapos na!" Sigaw niya saka siya biglang napangiti ng malaki, habang ako parang lugmok. "Wow! Ang ganda mo na Best.." sabay ikot niya sa upuan para maiharap ako sa salamin. Nanlaki na lang ang mata ko sa nakita ko.

"Ako ba 'to?" Tumango-tango pa siya. Napangiti na lang ako sa resulta.

----

Nang matapos kami sa parlor ay agad siyang nagyaya sa mall. Pinagtitinginan ako ng mga tao, ngingiti sila pagkatingin sa aking mukha pero pagtitingin na sila sa katawan ko. Ngumingiwi sila. Bakit kaya?

"Sa botique tayo.." sabi ni Sowie sabay hila sa kamay ko. Para na rin siyang isa sa mga bampirang yun, grabe makahila sa akin. Para lang ba akong laruan di hila. Nakarating kami sa botique, napakaraming magagandang damit ang makikita.

Nakakita siya ng itim na dress kaya agad niya yung kinuha sabay sukat sa katawan ko.

"Perfect." Hinila niya ako muli papunta naman sa fitting room, saka niya ako tinulak papasok. "Sukat mo ah." Sabi niya. Wala na akong nagawa kaya sinukat ko na lang, at hinubat ang malaki kong tshirt at malaking short.

"Ang liit naman nito Best." Sigaw ko mula sa loob.

"Patingin!!" Sabay bukas niya ng fitting room kaya napatili ako, sabay takip sa buong katawan ko. Di ko pa naman nasusuot, halos pahingal akong sinarado muli yung kurtina.

"Waaahh.. Grabe ka sa akin Best." Narinig ko siyang tumawa.

"Akala ko nakasuot na e. Sorry naman hahaha.." sinuot ko na lang ng mabilis dahil baka buksan niya na naman. Buti mga sales lady lang ang ilang nakakita. "Tapos ka na ba?" Sigaw niya, pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako ito e.

"Ayoko ! Nakakahiya.." sigaw ko nang muli niyang buksan yung kurtina. Nakangiti siya at tila namangha. "Nakakahiya talaga.." sabay kamot ko sa batok, umiling naman siya.

"Hindi Best ah. Ang ganda mo na.. kabog na beauty nating dalawa hahaha.." Errr.. ikaw lang yun, hindi ako.

Pumunta na kami sa counter at nagbayad. Nakailang sukat rin siya ng kanyang damit. Bago naming o niyang maisipang umuwi.

Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto namin dahil di niya ako sinabayan. Lahat nakatingin sa akin, napapatungo na lang tuloy ako. Lahat sila nagbubulungan, ni hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila.

Napatigil na lang ako sa harapan ng pinto ng kwarto nang maramdaman ko na lang na may dumikit sa akin. Nabigla na lang ako nang bigla niyang hawakan ang puwitan ko.

"Wala naman.." unti-unti akong patingin sa kanya, habang nag-uusok na ang ilong ko sa galit.

"Bastos!!" Sigaw ko, sabay sapok, sapok, sipa, sipa sa kanya. "Bastos kang loko ka!!" Nakita ko na lang siyang tumatawa.

"Hahaha sorry.. ikaw pala yan flat.." sabi niya sabay iling pa at tingin sa mga palad niya, "wala na ngang dibdib, wala pa rin sa likod.."

"Bastos ka!! Hudas ka! Hayop ka!!" Sasapakin ko sana ulit si Jules ng tumakbo siya saka tumigil nang makalayo na siya.

"Pero infairness, ang ganda mo ngayon.." sigaw niya na nagpatulala sa akin pero di ko pa rin makakalimutang hinawakan niya yung..

"Aaarrghhh.. patay ka sa akin!!" Sigaw ko.

I Am With The Seven Vampires✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon