Chapter 38

6.1K 249 5
                                    


Chapter 38

Hindi ko inaasahang makakasama ko siya sa labas, makakasama pagpili ng damit na isusuot ko raw para bukas. Pinagsuot ko pa siya ng cap, lalo siyang naging gwapo.

"Ikaw na! Ikaw na talaga Claude.." sabay smile ko, ngumiti lang din siya. Pati mga sales lady kinikilig sa amin. Kung alam niyo lang bampirang gwapo 'tong kasama ko.

Nilagyan niya din ako ng cap sa ulo, parehas na kami. Gusto ko sanang papicture e, sayang wala akong camera.

"Ate, picturan ko kayo.. para kayong celebrities dalawa, bakit di kayo mag-artista.." natawa naman ako bahagya dun sa sinabi nung sales lady.

"Hahaha hindi naman! Konti lang.. sige papicture na lang para may remembrance din ako." Sabi ko nang hawakan ko yung kamay ni Claude. Umiling lang siya pero ngumiti na ako sabay peace.. "dalii naaa.." ngumiti na rin siya habang nakahawak sa cap niya at bahagyang nakatungo. Shet! Ba't ang gwapo mo?

----

"Yehey, may picture na ta--" nabunggo na naman kasi ako habang pinagmamasdan yung picture namin ni Claude, napatingin ako sa nabangga ko at nagulat na lang ako dahil si Brent ngayon ang nasa harapan ko.

"Oh what a coincidence, nagdedate rin pala si Claude at Lexie.." napatingin ako sa babaeng katabi niya, si Maureen habang nakahawak ang kamay sa braso ni Brent. Bakit piling ko nasasaktan pa rin ako.

"Ah O-oo k-kayo rin p-pala.." nauutal kong sabi, tumingin ako kay Brent na ngayon ay sobrang seryoso ang mukha na nakatingin sa mga pictures na hawak ko. Nabigla na lang ako nang hawakan ni Claude ang kamay ko.

"Halika na Lex, hayaan na lang natin sila.." napatango na lang ako at nagpadala sa kanya habang sinusulyapan ko pa rin si Brent. Napahawak na lang  ako sa dibdib ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng sakit.

"Best!!" Pagsigaw ni Sowie, nakita ko silang palapit na sa amin dala-dala ang mga paper bag na siguro may mga damit niya. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong  niya, Bakit ano bang itsura ko ngayon? Sabay hawak sa mukha ko.

"Wala naman." Tinignan ko si Claude na ngayon ay seryoso na ang itsura. Ah bakit kasi nagkakaganito pa rin ako, nasasaktan ko si Claude kapag ganito ako e. Sabay kami ni Sowie na naglalakad habang nasa likuran namin yung dalawa ni Xyrus. Nahihiya tuloy ako kay Claude, hinila ako ni Sowie papunta sa Jolibee.

"Halika, papicture tayo kay Jolibee.." napangiwi naman ako, nag-isip bata na nga ako kanina ngayon ulit. Pero sumama na lang ako nang puntahan namin yung mascot ni Jolibee.. "picturan mo kami Vam.." tawag niya kay Xyrus, napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Okay Hum.." ani ni Xyrus sabay kuha nung phone, napatingin naman ako kay Claude na sa ibang direksyon nakatingin. Nalulungkot tuloy ako.

"Smile Best.." sigaw ni Sowie kaya nagbigay na lang ako ng pilit na ngiti.

Pumasok kami matapos makailang shot, kumain kami ng spag with fries ni Sowie pero sila hindi kumain. Tahimik pa rin si Claude habang pinagmamasdan ko siya. Wala naman din akong imik, ano ba kanina lang ang saya saya namin  pero bakit ngayon parang ang lungkot na.

----

Nakauwi na kami ng academy, hindi na ako pinapansin ni Claude. Pumasok siya mag-isa sa malaking pintuan na hindi man lang ako hinihintay makababa. Waah. Ano bang ginawa ko?

"Nagtatampo ba sa'yo si Claude?" Tanong ni Sowie matapos lapitan ako. Umiling lang ako saka kumaway sa kanila at tumakbo para habulin si Claude.

"Claude?" Sigaw ko nang tumigil siya saglit at naglakad na ulit, gusto ko man siyang mahabol pero sadyang ang bilis lang nang lakad niya. Nalulungkot na ako, bakit ganon?

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now