Chapter 36

5.9K 239 4
                                    


Chapter 36

DYLAN POV

Bakit parehas na parehas sila, pero imposible. Isang tao lang si Lexie, baka nagkataon lang. Baka nga.

Naglalakad na ako pabalik sa kwarto ko nang makita ko si Ania na makakasalubong ko. Gusto kong umiwas dahil naiinis na naman ako. Pero lagi na lang ba akong iiwas, ayoko lang talagang maalala ang lahat nang nangyari noon. Masakit pala talagang masaktan. Karma ko na nga siguro ito.

Masaya kami noon pero hindi na ngayon. Tapos na ang lahat sa amin. Sana lang di na siya bumalik, parang hangin ko na lang siyang nilagpasan.

-----Flashback----

"The best ka talaga bebe ko.." sigaw ni Ania matapos patalong yumakap sa akin.

"Kung di kita mahal, di ko gagawin yun.." pinagpalit niya lang naman ako ng damit, yung pambabae kumbaga crossdressing. Hindi ko type pero dahil sa mahal ko siya, ginawa ko 'to.

"Tara picture tayo!!" Lumayo ako sa kanya.

"Ayoko! Tapos saan mo ipapakita? Sa social media na nalaman mo dahil kay Maureen. Walang ganyanan mahal.."

"Pls.." sabay nguso niya. Napakamot na lang ako sa ulo sabay iwas ng tingin sa kanya nang maramdaman kong hawakan niya ako sa braso. "Please na kasi Bebe ko.."

"Ayoko! Pinagbigyan na kita, nakita mo na. . Gusto mo pa may iba pang nakakita, di pa bang sapat na ikaw na lang."  Singhal ko.

"Psh. Kung ayaw mo edi hwag, di mo na ako mahal.." pagtatampo niya pa, sabay tingin sa sarili ko habang nakadress at may headband pang may tenga nang rabbit. Ako ba 'to, sa laki ng katawan ko, nakaganito ako.

"Oo na!!" Inis na sabi ko, "hindi kita matiis kaya oo na! Sige na.." sabi ko pa, nang bigla niya akong ikiss sa labi.

"Yehey.. Thanks bebe ko.." sabay tapat ng camera sa aming dalawa. "Ikaw lang dali.. Post na.."

"Shit!" Mura ko nang tignan niya ako ng masama, nagpose na lang ako saka nagpilit na ngiti. Letse talaga. "Hehe." Sabi ko na lang pilit habang tunog ng tunog ang flash ng camera niya. Nakakainis talaga.

Tuwang tuwa naman siyang ipinakita sa akin yung mga picture. Ako naman di maipinta ang mukha, ayoko talaga.

"Bebe ko, ipopost ko na."

"Huwag na.." sabi ko nang lumayo siya sa akin sabay pindot nung phone niya.

"Ayan na! Napost ko na.. Yeepee.. I Love you.. With capslock status, AKIN LANG ANG BEBE KO. MUAHPS." napangiti na lang ako kahit ayaw ko naman talaga, pero basta sinabi niyang kanya lang ako, masaya na ako dun.

----

Hinatid ko na siya sa kwarto nang makita ko si Yana at Claude na magkasama, okay lang kaya dun sa best friend niyang nabalitaan kong kinagat ng isang masamang bampira. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ngayon ni Claude pero mabuti nang kasama niya si Yana.

"Dylan.." napatingin ako sa tumawag sa akin, parang bigla na lang tumaas ang dugo sa ulo ko dahil sa inis. Di ko siya pinansin bagkos nagtuloy lang ako sa paglalakad. "Di mo man lang ba papakinggan ang sasabihin ko tungkol sa ginawang laro ni  Ania sa pagitan niyo.." napatigil ako sa sinabi niya.

"Pwede ba Maureen, huwag mo siyang sinisiraan sa akin.." Shit! Makaalis na nga, ayaw ko ding nakikita ang pagmumukha ng malanding babaeng 'to. Narinig ko pa siyang tumawa bahagya, gusto ko sana siyang sapakin ng malakas kaso babae pa rin siya.

Nakabalik na ako sa kwarto ko nang tignan ko yung picture frame na may picture namin ni Ania. Sa kanya lang ako nagpakatino kaya sana huwag niya akong gaguhin.

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now