Chapter 64

5.1K 229 9
                                    


A/N..

Pavote naman. Thank you sa inyong lahat na walang sawang sumusuporta nito.

Chapter 64

Lexie POV

"HATE YOU! HATE YOU! HATE YOU!" sabay pagsapok na naramdaman ko. "Awts! Best hah.."

"Sino bang sinasabihan mong hate you! Hate you! Hate you! Kanina pa yan, nakakarindi na kaya." Sabay kibit balikat niya habang nandito kami nakaupo sa malapit sa may basketball field. Taga-cheer kasi siya ni Xyrus na naglalaro sa dilim ng basketball habang kalaro sila pang lima. Si Brent lang ang wala.

"Kairita kasi." Inis na sabi ko, nang may tumabi sa kinauupuan ko. Napatughay ko at nakita ko si Ria at Ania.

"Hey, ano nang ganap?" Tanong ni Ania, habang kiming umupo na rin si Ria.

"Talo na si Dylan syempre ng Vam ko." Singhal ni Sowie.

"Ha.ha.. kahit kailan di pa siya natalo ni Xyrus?" Nagtatalo pa 'tong dalawa na'to habang nasa pagitan nila ako.

"Basta ako, kahit sinong manalo. I'm still happy for them.. GO Vampi!!" Hiyaw niya sabay kaway nang tumingin naman sa kanya si Jules, na nagflying kiss naman ito.

"O di kayo na sweet." Bitter ko ba, napatungo na lang ako at pinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko. Habang tinatapik pa ni Sowie ang balikat ko.

"Sasagutin ka rin niya." Fvck! Ako talaga, kainis.

Hindi naman ako nanonood, nakikiupo lang ako dito. Nagugulat kapag sumisigaw yung dalawang katabi ko, kapag nakakashoot ang mga mahal nila. Tapos si Ria  kunwari pa, makatili rin wagas. Malalagutan na ng litid sa leeg. Hays, ako na walang love life. Pahirap pa ang yabang na yun, feeling niya gwapo niya. Kapal.

Natapos ang laro, nagtie sila kaya wala nasabi si Sowie at Ania sa isa't isa. Sila na may pinupunasang pawis na noo. Ako na wala.

"Kamusta?" Narinig ko mula sa likod ko, nang makita ko si Claude.

"Hindi okay." Mapait siyang ngumiti sa akin habang pinupunasan ang gwapo niyang mukha. Sabay taas ng damit niya, Wow! Napanganga ako.

"Pwede ba, ibaba mo nga yan!" Singhal ko, nang tumawa siya.

"Ayoko nang maging sweet." Naguluhan naman ako sa sinabi niya, sabay baba nung sando niya.

"Di kita gets." Ngumiti siya, sabay tapon sa mukha ko nung tuwalyang ginamit niya. "H-Hoy a-ano??" Nauutal kong sabi nang maamoy ko yung mabango niyang pawis. Shet oh! Huwag kang ganyan Lexie, ang landi mo!

"Pakipunasan ng likod ko, pwede ba?" Ani niya, medyo napaiwas pa ako nang itaas niya yung damit niya at nakita ko yung likod niya. Likod pa lang niya, ang yummy na. Ang landi!

" bakit ako?" Kunwari pa ako, pero gusto ko naman. Tumingin pa siya sa akin, saka mgumiti nang hinawakan ko na yung tuwalya at nangangatog kong ilapit yun sa likod niya. Sana wala na lang tuwalya, sana kamay ko na lang.

"Ako na gagawa!" Nang may humablot nung tuwalya sa kamay ko at nakita ko ang nakasimangot na si Yabang. Hinila ko ulit yun sa kanya.

"Bakit ikaw ang gagawa? Ano ka bakla?" Singhal ko nang agad na kumunot ang noo niya. Hinila niya ulit yun sa akin, na parang galit na talaga.

"Hindi ako bakla! Basta ako na gagawa!!" Singhal niya, aagawin ko yung tuwalya pero ayaw niyang ibigay kaya naghilahan kami. "Sabing ako na!"

"Ako na sabi!!"

"AKO NA!!" sigaw niya, nang marinig naming bumuntong hininga si Claude. Inagaw niya yung tuwalya sa amin saka inalagay yun sa balikat niya.

"Kapag binitawan mo ulit siya, kagaya nitong tuwalya. Aagawin ko ulit siya sa'yo." Ani niya sabay alis. Nagkatinginan pa kami ni Brent nang makita ko siyang nakasimangot na.

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now