Chapter 34

6.2K 252 15
                                    


Chapter 34

"May nararamdaman ka pa rin sa kanya?" Tanong ni Claude matapos naming makapasok sa kwarto niya.

"Wala na.." sabi ko na may pag-aalangan.

"Huwag mo akong lokohin, alam ko kung paano nagmamahal sa ngayon dahil mahal kita at masakit dahil mahal mo siya.."

"Claude.." umiwas lang siya ng tingin sabay pinihit ang doorknob.

"Alis na muna ako.." sabi niya, sumalampak na lang ako ng upo sa kama niya nang makalabas na siya. Naguguluhan na nga rin ako, sabi ko move on na ako e. Pero sa tuwing nakikita ko siyang kasama yung babaeng yun, di ko maiwasang mainis at masaktan.

"Hays! Ayoko na nga sabi e.." saka ako humiga sa kama ni Claude. Tinignan ko ang orasan at nakita kong mag 8 na pala ng gabi. Nakaramdam na rin ako ng antok, nang unti-unting pumikit ang mga mata ko.

----

Naramdaman ko na lang na may humahawak sa pisngi ko kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

"S-sino ka ba?" Inaantok ko pang sabi, nang unti-unting luminaw siya sa paningin ko, nanlaki na lang ang mata ko nang makita siyang nakangiti.

"Gising ka na pala panget?"

"Brent???" Sigaw ko saka dali-daling tumayo at lumayo sa kanya, "a-anong ginagawa mo? B-Bakit ka nandito?" Sabay turo sa kanya.

"Syempre inaalagaan ko ang panget ko.." sabi niya pang nakangiti.

"Huwag mo nga akong lokohin.." singhal ko nang tumayo na rin siya at unti-unting lumapit sa akin, "huwag kang lumapit sa akin, baka di ako makapagpigil.." sabay harang ko ng mga kamay ko pero lumalapit pa rin siya.

"Panget, mahal mo ba ako?"

"Waaahhh.. Ano bang klaseng tanong yan? Hindi ko yan masasagot.."

"Pero mahal kita.." nanlaki ang mata ko sabay ngiti.

"Echosero.." singhal ko nang unti-unti niya akong yakapin. "Waahhh.. Sabing huwag mo akong tuksuhin.." hahalikan niya na ako sa labi, Shet!!!

----

"Lexie? Lexxie..??" Narinig kong tinig kaya agad akong napabalikwas ng tayo. Nakita kong nakatingin sa akin si Claude habang nakahawak sa balikat ko. "Anong napanaginip mo, at nasigaw ka d'yan?"

"Panaginip lang?"

"Bakit, ano bang panaginip mo?" Tanong niya nang hilamusin ko ng palad ko yung mukha ko.

"Wala! Panget, ang panget nang panaginip ko.." pero di ko maiwasang mapangiti. Letse! Anong klaseng panaginip yun? May gusto pa ba ako sa lalaking yun?

"Mukhang masaya naman ang panaginip mo.." umiling-iling pa ako nang tumayo siya na ngayon ay nakauniporme na pala. "Tayo na dyan, may pasok pa tayo.."

"Okay Claude.." sabi ko sabay tayo, madapa dapa pa ako bago makapunta sa C.R. "hehehe.. sorry.." tingin ko kay Claude sabay sapok sa sarili ko. Saka ako pumasok sa C.R.

----

Palabas na kami ng kwarto nang makasalubong ng mga mata ko si Brent at si Maureen na magkahawak kamay. Sila na HHWW.. Pero nabigla na lang ako ng hawakan ni Claude din ang kamay ko, sabay kaming naglakad. Medyo nahihiya ako pero napapangiti na rin ako.

Nakita kong nakatingin sa amin si Brent nang masulyapan ko siya saglit. Mukhang seryoso ata siya ngayon, pero di ko na lang pinansin. Nakarating kami ni Claude sa classroom, binitawan niya lang ako nang makaupo na ako sa upuan ko.

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now