Chapter 15

8.1K 332 5
                                    


Chapter 15

Nakangiting inaantay ako ni Kurt mula sa labas ng pintuan. Nagbow pa siya sabay hayag ng kamay niya.

"Halika na po, aking mahal na prinsesa." Nakatingin lahat ng mga babae sa amin. Nahihiya na ako sa ginagawa niya kasi medyo kinikilig ako.

"Tigilan mo nga yan." Sabi ko, tumunghay siya sabay akbay sa akin.

"Ituturing kita na prinsesa ngayon.." sabi niya pa, ngumiti na lang ako at sabay kaming naglakad papunta na sa room namin nang makasalubong namin si Brent. Sumulyap ako sa kanya pero siya ni hindi man lang ako tinignan kahit saglit. "Lexie, lagpas ka na.." sabi ni Kurt kaya napatingin ako sa sarili ko, nakalampas na nga ako sa pintuan.

"Hahahah.. oo nga ano.. hahaha.." pilit kong tawa, saka kami pumasok sabay sa room. Lagi na lang akong tinitignan ng mga kaklase ko. Nagiging playgirl na ata ako, ngayon lang 'to sa talambuhay ko.

Umupo na kami sa upuan, napansin kong wala rin sila Claude sa kanilang mga upuan.

"Mukhang may hinahanap ka namang iba.." napatingin ako kay Kurt na katabi ko, hinahalungkat niya yung bag niya.

"Ano na naman yan?" Sabay ang pagtaas ng kilay ko. Ngumisi siya saka biglang pinakita ang nakatiklplop niyang kamao.

"Hulaan mo?" Sabi niya, napaisip tuloy ako ng di oras.

"Secret." Sabi ko, "ahhh.. baka sili na naman yan ah.." tumawa siya. Sabay bukas ng palad niya, "laruang puso?" Maliit kasi na hugis puso ang nakita ko.

"Ito ang puso mo, iingatan ko kapag pinahintulutan mo akong alagaan yan." Sabay turo niya sa kaliwang dibdib ko, "may tanong ako?" Seryoso niyang sabi.

"Ano?" Pumangalumbaba pa siya.

"Paano mo masasabing mahal mo na ang isang tao?" Ngumiti pa siya sabay kindat. Umiwas ako nang tingin saka tumingin sa harapan habang nilalaro ang mga daliri ko.

"Ehh.. kasi, ano? Kasi.. di ko pa nararanasan magmahal.. Nabuhay lang ako sa pambubully at pagiging palaban at pasaway ko." Narinig ko siyang tumawa.

"Nararamdaman mo ba yung sobrang pagbilis ng tibok ng puso? Yung halos parang akala mo sasabog na?" Tanong niya pa.

"Naranasan ko minsan." Nahihiya kong sabi, "inlove na ba ibig sabihin nun?" Tanong ko pa.

"Minsan nagmahal ako, narealize ko lang kaso huli na.." malungkot niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya, "may kwento ako sa'yo mamaya." Napatango na lang ako sa kanya nang mapatingin ako sa mga papasok ng pintuan.

Nakangiti silang lahat sa akin kaya ngumiti na lang din ako pero nag-iba ang panlasa ko sa huling pumasok. Si Brent kasama yung babaeng humalik sa kanya.

"Ania, ikaw ba yan?" Sabay tayo ni Kurt, ngumiti naman yung babae saka ako hinawakan sa kamay ni Kurt at lumapit kami roon. "Long time no see.." sabi niya pa.

"Yeah! Matagal na rin.. Ano nang nangyari sa'yo..?" Tanong nung babae, habang nakatitig nang malagkit kay Brent.

"Ganon pa rin, e ikaw bakit ka nandito? Ako lang ba walang alam na darating ka?" Tumawa pa yung babae, pero yung tawa na halatang malandi. Hindi ko alam pero yun ang gusto kong isipin.

Nasapo ko na lang ang ulo, ba't nga ba ako nag-iisip? Nababasa nila lahat ng iniisip ko, patay!

"Nagpasama ako kay Brent nung isang araw. Magtransfer na ako dito. Para naman mabantayan ko ang best friend ko." Saka niya tinignan si Brent na wala namang reaksyon. "Oh by the way, sino siya?" Sabay tingin sa kamay ko na hinahawakan ni Kurt.

"My soon to be girl friend.." sabay sabay na sabi ng lima, maliban kay Xyrus at Brent. Napatingin yung babae sa lima na halatang nabigla, tinignan din ako ni Brent tapos nagpipigil naman ng tawa si Xyrus.

"Hahaha.." tawa ko kunwari, "their joking hahaha.." sabi ko sabay fake na tawa.

"Hindi joke yun, totoo yun.." sabi ni Kurt, ngumiti naman yung babae pero halatang plastik. Nilapitan niya ako saka dinali ng mga mahahaba niyang kulay itim na kuko ang laylayan ng uniforme ko.

"Hahaha.. Kayo? Magkakagusto sa kanya? Naniniwala ako sa babaeng ito na joke lang yun. Huwag niyo na nga ako pagtripan guys." Awwtsu.. nahurt naman ako dun. Bahagya na lang ako napatungo.

"Hindi ka nila pinagtitripan Ania, totoo panget nga siya pero may something sa kanya na kakaiba. Kung bakit nainlove sila.." napatingin ako sa nagsalita, si Brent, lihim akong napangiti.

"Tama yun Ania, kung wala kang matinong sasabihin, bumalik ka na dun sa dati mong eskwelahan." Sabi pa ni Dylan. Nakatitig siya at halatang galit dun sa babae.

"The F*ck Dylan, I know you! Kahit sino pinapatulan mo!!" Sabi niya saka tumingin kay Brent, "and you, Brent, huwag mong sabihin na gusto mo rin 'tong babaeng 'to?" Sabay turo niya sa akin.

"Hindi ako magkakagusto sa panget." Nabigla at nasaktan ako sa sinabi niya. Para na ngang gustong kumawala nung mga luha ko sa mata pero pinipigilan ko lang, "at isa ka na dun Ania.."

"Whaaattt??" Saka umalis si Brent, sinundan naman siya nung babae. Lahat nakatingin sa akin at mukhang nag-aalala.

"Yung babaeng yun, dapat di na siya lumilipat dito.." singhal ni Dylan. Inakbayan naman ako ni Kurt.

"Huwag mong papansinin yun, may topak lang talaga sa utak yun." Ani ni Kurt, binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti.

"S-sino ba yun?" Nauutal kong sabi.

"Si Ania, the bitch pretender.." ani ni Dylan, habang kita sa kanya ang pagkainis. Sakto namang dumating ang guro namin kaya nagsiupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Bakit kaya siya kahalikan ni Brent nung isang araw. Pretending gf ba siya?

"Anong iniisip mo?" Nagulat ako sa tanong ni Kurt. "May iniisip ka ba, kasi pilit ko mang basahin ang iniisip mo? Wala akong mabasa."

"Huh? Hindi mo nabababasa." Mabuti na yun, kung hindi niya nababasa so wala na akong ipag-aalala kung ano mga iniisip ko.

-----

Sa wakas, lunch break na. Agad akong hinila ni Kurt papunta sa canteen matapos kong isakbit ang bag ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Green house, may ipapakita lang ako sa'yo saka sabi ko may ikukuwento ako di ba?" Sabi pa niya. Nagpapadala lang ako sa pagtakbo niya hanggang sa makarating kami dun sa green house.

"Baka papakainin mo na naman ako nang kung ano-ano kaya tayo nandito?"

"Hindi basta.." sabay bukas niya sa pintuan, namangha na lang ako sa nakita ko. Nakangiti siyang tinignan ako habang unti-unti akong pumapasok sa loob.

"Maganda hindi ba?" Tumango na lang ako, sabay ngiwi at sapok sa kanya.

"Anong maganda dito?" Galit na sigaw ko, sabay sapok sapok sa kanya ulit.

"Bakit?"

"Ano 'to?" Pakita ko nung tinanggal ko mula dun sa halaman. "Bakit may mga picture nang mga nakabikini dito?" Puro's picture ang mga nakasabit sa buong lugar, puro pa bastos. Nagkibit balikat pa siya at parang proud pa.

"Syempre para makapili ka nang swimsuit na gagamitin mo.." sabi niya.

"Gago!" Sigaw ko, nang bigla siyang tumawa, habang patigil ng patigil.

"Katulad na katulad mo talaga siya Lexie.." naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Katulad ko sino?" Tanong ko. Nang tumingin lang siya sabay lapit nang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko na lang na hinalkan niya ako sa noo. Para akong natuod sa ginawa niyang yun, hinalikan ako ni Kurt.

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now