Chapter 10

8.7K 340 7
                                    


Chapter 10

"Hatid na kita sa kwarto niyo?" Sabi niya, tumango na lang ako nang inalalayan niya akong tumayo. Nang may biglang pumasok.

"Hep ano 'to?" Tanong niya nang may kakaibang tingin. "Bro, ano yan?" Sabay tingin sa mga kamay namin na magkahawak.

"Inaalalayan ko lang si Lexie, anong tingin mo?" Paliwanang ni Xyruz, habang ako nagtutumango.

"Wew?" Sabay ang pag-iwas niya ng tingin. " Lexie, ingat ka d'yan, baka mabiktima ka."

"Hoy Kurt!!" Sigaw niya sabay tingin sa akin, ngumiti na lang ako sabay hila ng kamay ko. "Kurt?" Sigaw niya muli habang pinandidilatan ng mata si Kurt.

"Hahaha. Joke lang yun, Lex.. Mabait yan, di lang halata." Saka siya tumingin sa akin, "anong nangyari sa'yo?" Tanong niya.

"Ah wala.." sabi ko na lang. Nang bigla siyang humiga sa kabilang kama at tumagilid.

"Ganon ba, sige matulog na muna ako." Sabi niya. Umalis na lang kami ni Xyrus, at hinatid niya ako hanggang sa kwarto namin ni Sowie. Saktong nasa may pinto na kami ng paglabas ng Best Friend ko.

"Hah!! Bakit nandito yan? Bakit kasama mo yan?" sigaw ni Sowie habang parang nakakarate pose. Napatingin ako kay Xyrus na ngayon ay seryoso na ang mukha.

"Hinatid niya lang ako, Bakit Sowie?" Saka niya ako hinawakan sa kamay at hinila papasok ng kwarto. Nakahawak pa siya sa baba habang malalim ang iniisip.

"Huwag kang sasama sa lalaking yun, manloloko yun. Madami nang nabiktima yun.."

"Huh? Parang hindi naman.."

"HINDI MO SIYA KILALA!!" sigaw niya na ikinagulat ko. "Kaya hwag na hwag kang lalapit sa gagong yun!!" Sabi niya pa ulit sabay ang mahinang pag-ikot ng doorknob. Saka sumilay-silay pa sa labas.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinitignan kung nandito pa yung gagong yun." Saka siya sumulyap sa akin at ngumiti, "wala na siya, buti na lang. Maiwan na kita."

"Huh? Saan ka na naman pupunta?" Pero mabilis siyang nakatakbo at ni hindi nagawang sagutin ako. Nakakapagtaka na talaga, saan kaya lagi siya nagpupunta? Malalaman ko rin yan, lagot ka sa akin Sowie.

Nahiga na ako sa kama ko, naramdaman ko pa rin ang sakit kaso medyo-medyo na lang. Wala namang magawa, ni walang t.v, ni wala akong gadgets na mapaglalaruan. Ano bang oras na?

Tinignan ko na lang muli ang relo ko nang makitang alas 3 pa lang ng hapon. Saan kaya pwedeng pumunta rito, nakakainip naman kapag walang klase. Napagpasyahan ko nang lumabas ng kwarto nang masasalubong ko si Kurt, akala ko ba natutulog siya.

"Hi?" Sabi niya sabay ngiti.

"Hi din.." sabay tungo ko at lakad palayo. Saan kaya pwedeng makatambay nang hindi naman ako mabobored ng husto. Kamusta na kaya si Mama?

"Gusto mo ba nang matatambayan?" Napatigil ako nang may magtanong sa akin mula sa likuran. "Halika samahan mo ako.." saka niya hinawakan sa kamay.

"Huh?" Si Kurt naman ang humihila sa akin ngayon. Bakit na lang ba ako laging hinihila. Nakarating kami sa isang lugar, isang green house. Napakaraming iba't ibang gulay ang nakatanim. "Kanino 'to?" Tanong ko.

"Akin.." sabi niya habang kinukuha yung siling mahaba sa puno nito. "Kainin mo.." bigay niya sa akin.

"Huh? Mahanghang yan!!" Ngumiti siya at umiling.

"Hindi, try mo.." kinuha ko na lang saka ako pumikit at kinagat iyon.

"Waaahh.. Ang hanghang!!" Sabay ang buga ko nung sili, nakita ko siyang tumatawa. "Anong pwe nakakatawa pwe pwe.." sabi ko sabay pahid sa dila ko.

"Hahaha.. halika dito.." nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko sabay ang paghihip niya ng hangin. "Para di ka mapaso.." natulala na ako sa ginagawa niya, nangangatog na rin yung mga tuhod ko.

"Aaahhh.. ayoko na! Wala na!!" Sabay ang pag-urong ko, nakita ko siyang ngumiti saka kumuha ng maliit na pala. May hinuhukay siya sa lupa.

"Gusto mo ba ng sibuyas?" Sinimangutan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Grabe ka sa akin, ano ba yang mga pinapakain mo sa akin.."

"Hahaha.. niloloko lang kita.."

"So pwes, hindi nakakatuwa." Sabi ko sabay talikod nang makita ang puno ng mangga sa may malapit sa harapan ko. "May bunga ba yun?" Turo ko dun sa puno.

"Wala.." malungkot na sabi niya kaya tinignan ko siya. "Wala ang bunga yan simula nung mawala siya."

"Sinong siya?"

"Ang taong nagtanim niyan.." saka siya naghuhukay pa. "Magkakabunga lang siguro yan kapag dumating na ang taong muling mag-aalaga sa kan--"

"May bunga naman ah!" Sigaw ko. Agad siyang lumapit na may ngiti at pagkamangha.

"Totoo ba?" Tumango pa ako, tumingin siya sa akin. Nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "Bumalik ka na.."

"Huh?" Nagtataka ako sa mga sinasabi niya, pero di ko na lang pinansin. Saka siya humiwalay sa akin.

"At dahil sa nakita mo yung bunga, may libre kang luya."

"Eeehhh.. Sige huwag na lang, salamat na lang." Sabi ko saka siya tumawa muli.

"Benta ba mga jokes ko?"

"Huh? Joke ba yun?" Tumango tango pa siya. "Corny.." prangka kong sabi.

"O siya sige, may Joke ako! Paano maghalikan ang mga bampira?" Napaisip ako dun.

"Hindi ko alam, pero nag-uuntugan ba kayo ng mga pangil?"

"Pft.. wahahahaha.. hindi! Grabe ka sa amin! Hahahaha.." halakhak niya. Napangiwi na lang ako.

"E sige secret.." saka siya tumigil at sumeryoso sabay ngiti.

"Edi torrid.." Parang question mark ang nasa utak ko ngayon.

"Huh? Anong joke dun?" Sabi ko.

"Yun ang joke dun, yung sagot."

"Huh? Di ko gets!!" Loko nito. E kung sinasapak ko na kaya ito ngayon pa lang. Pinagtitripan lang ata ako nito e. Nabigla na lang ako nang ipahawak niya sa akin yung palang maliit.

"Di bale na nga, para may magawa ka naman, hukayin mo yung sibuyas mong iuuwi sa bahay niyo." Napatingin ako sa kanya.

"Pwede akong umuwi?"

"Joke lang." Sinaksak ko na lang sa lupa yung pala. "Haha easy lang." Sabi niya, sa kanya ko na kaya isaksak 'to.

"Kurt di ba? Bakit di kayo natutulog kapag umaga?" Tumigil siya sa paghuhukay.

"Bakit mo natanong?" Seryoso niyang tanong. Naramdaman ko ang intense sa tanong ko. Kaya bahagya akong tumawa.

"Ah wala, huwag mo na isipin yun." Tumingin siya sa akin at muli nagpatuloy maghukay.

"Dahil gusto naming maging normal. Gusto namin at lalo na akong makasama ang taong minamahal ko. Napakahirap nakibagay sa mga normal na tao kung kami naman ay imortal. Walang kamatayan, nakakalungkot dahil naiiwan lang kami ng mga taong mahal namin." Seryoso niyang sabi, sabay ang pagpahid sa mata niya.

"Hui?"

"Namimiss ko siya." Ang mga bampira, umiiyak rin pala sila. Akala ko hindi sila nasasaktan, bagkos nasisiyahan pa sila dahil panghabambuhay silang nabubuhay ngunit tama, masakit kapag naiiwan ka ng taong mahal mo. Waaahh..naiiyak naman ako sa kanya.

"Hahah. Ang drama ko na, hindi joke yun.." tumango lang ako, habang nakikita ko ang mga lungkot sa mata niya.

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now