EPILOUGE

8.5K 265 109
                                    

Epilouge

Lexie POV

Ito yung pagtatapos na pinipilit ko lang ngumiti. Ito yung pagtatapos na sobrang sakit ng mga nangyari. Ito yung pagtatapos na halos pinipigil ko ang sarili kong huwag nang umiyak gabi-gabi. Ilang buwan nang nakalipas bago mangyari ang mga bagay na yun, na sobra ngayong nagpapasakit sa puso at utak ko. Ang mga pangyayaring di ko makakalimutan, sinabi mo pa sa akin.

----

"M-magkikita p-pa tayo.." hanggang unti-unti kang nawawala sa paningin ko. Hindi ko talaga kaya, bakit? Bakit mo ako iiwan?

"Breeeeeennnnttt!" Sigaw ko hanggang sa tuluyang parang bula ka na lang naglaho. "Brent? Brent, nasaan ka na?" Parang nasisiraan kong sabi habang mabilis ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. "Brent, di mo ko---- iiwan di ba?" Tanong ko kahit wala ka na sa tabi ko.

Narinig ko silang tumawa, ang mga pumatay sa'yo. Dagling galit ang naramdaman ko nang mabigla na lang ako dahil biglang sumulpot sila Claude sa harapan ko.

"Sa wakas! Nakabalik tayo!" Sigaw ni Dylan, nang unti-unti akong tumayo para lumapit sa kanila.

"Guys?" Naguguluhan kong sabi, tumingin silang lahat sa akin ng may pagtataka rin.

"Nasaan si Brent?" Tanong ni Kurt, umiling lang ako sabay takip ng mga palad ko sa mukha ko.

"Wala na siya mga Bro.." sabi ni Gab na lalong nagpaiyak sa akin, naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.

"Damn! Bakit kasi pinaalis niya pa tayo, tapos ganon. Mang-iiwan din pala siya! Damn you Brent! Fvck!" Sigaw ni Dylan.

"Claude?" Tughay ko sa lalaking nakayakap ngayon sa akin. "B-buhay pa siya di ba, mga bampira kayo di ba? Buhay pa siya di ba?" Tumungo lang si Claude, sabay ang mapait na mga ngiti niya. Sabagay di naman niya alam ang nangyari, bakit ko nga ba tinatanong sa kanya.

"Hahaha. Stop this Drama! Gusto niyo bang maging best actor sa drama niyong yan?" Sigaw nung matandang garapata. Nagngalit ako sa naturang niya.

"ANG MGA GARAPATA TALAGA, KAILANGAN NANG TIRISIN!" sigaw ko sa galit, nang mabilis akong nagteleport papunta sa kanya. Nasakal ko siya nang walang ano-ano.

"What da?" Gulat na banggit niya habang sakal ko siya.

"How dare you??" Sigaw nung babae nang sasampalin niya sana ako ng makita kong humarang sa kaniya si Gab. "Anong ginagawa mo Gab, talaga bang sa kanila ka kumakampi?"

"Oo, dahil siya ang susunod na prinsesa, ang babaeng pinili ng kapatid ng Mama ko. Hindi ko siya hahayaang masaktan niyo. Kayo ang masasama, dapat kayo ang mawala!" Aniya niya.

THIRD PERSON POV.

Nagulat pa ang anim sa narinig nang biglang magsisulputan ang mga ilan pang bampira sa harapan nila. Dahil sa mahina pa sila ay nakipagbakbakan na lang sila dito, sipa, suntok, tadyak ang ginawa nila sa mga ito. Ngunit alam nilang walang impact ang mga ginagawa nila dito.

Napatingin si Claude sa langit, habang nahawakan siya sa likod ng isa sa mga bampira. Napangisi na lang siya dahil unti-unting nawawala ang itim na bumabalot sa buwan. Tumingin pa siya kay Lexie na ngayon ay sakal pa din ang naturang naghahari-harian sa buong hexerions.

Naitaob ni Claude ang lalaking nasa likod niya sabay kumpas ng mawala na ito sa paningin niya. Ganon din ang sa iba, kitang-kita na ang liwanag ng buwan. Lalapit sana sila kay Lexie nang pinigil lang ni Lexie ito.

"Laban ko 'to, huwag muna kayo makikialam! Ipaghihiganti ko si Brent, ipaghihiganti ko siya!" Sigaw niya sa galit, pero tinawanan lang siya ng lalaki.

I Am With The Seven Vampires✅Where stories live. Discover now