Chapter 2

128K 3.7K 372
                                    


"Wow! So ito pala ang Dance Club. Cool place, hon."

Hon? Yuck! Ang sarap ibalibag ng babaeng 'to! At aba?! Ahas ka ba? Kung makalingkis ka sa braso, dinaig mo pa ang cobra! Pero parang pamilyar siya sa akin...pero nakakainis pa rin!

"Jon! Ano palang sabi ni Pres?" bigla namang lumapit si Kevin sa pwesto namin kaya napalitan 'yung inis ko ng kaba. Hinatak ko 'yung damit ni Jon mula sa likod para sumignal na mamamatay ako kapag lumapit pa si Kevin!

"May rehearsal daw bukas. Patay ka dun. Lagi ka na lang wala nung nakaraang linggo," sabay tawa ni Jon sa kanya. "Sige, una na muna kami ni Alice."

Gusto kong hambalusin si Jon dahil sa pag-emphasize niya ng pangalan ko pero hinatak niya na lang ako palabas ng room and I swear, nakita kong sinundan kami ng tingin ni Kevin! Senyales na ba 'to? Oh my gosh!

Pagkalabas na pagkalabas namin ng room ay hinatak pa ako ni Jon papunta doon sa hallway at saka siya tumawa nang malakas, habang ako ay napabuntong-hininga na lang. Hindi ko napansin na nagpipigil na pala ako ng hininga kanina. Binatukan ko si Jon habang nakayuko siya at lalo lang siyang natawa. Bwisit 'to!

"Kainis ka! Muntik na akong mamatay kanina!"

"Ayaw mo nun? Nakita at nakilala ka na niya nang harapan?"

Nakita at nakausap naman na ako dati ni Kevin sa Feb Fair, nung tinawag siya ni Steff para gumanti sa ginawa kong pang-aasar sa kanya pero I doubt na naalala niya ako. Pero kanina kasi ang lapit niya sa akin at ngayon lang 'yun nagregister sa utak ko. Napatili tuloy ako at nagtalun-talon sa harapan ni Jon na parang tanga.

"Kasi naman!" sabay hinampas-hampas ko si Jon kasi kinikilig ako!

"Tapos ngayong wala na siya, kinikilig ka? Haha! You're really weird!"

"Alangan namang kiligin ako sa harap niya 'di ba?E 'di nabuking ako? Utak please."

"Ayaw mo nun? Malay mo magkainteres siya sa'yo," sabay smirk niya sa akin at nagpose pa siya doon sa railings na parang model. In fairness kay Jon, pangmodel ang katawan niya at kahit na naka-white T-shirt at jeans lang siya ay angat pa rin 'yung charisma niya. Sayang nga lang at mailap 'to sa mga babae.

"Hoy! Hindi naman ako ganun kadesperada no!"

Naglakad-lakad muna kami dahil hindi naman kami makabalik doon sa club room. Tsk. Pero sino naman kaya 'yung babaeng 'yun? Kailangan kong isama ang pangalan niya sa Death List.

Nung napunta kami sa cafeteria ay hinatak si Jon ng mga kaklase niyang lalaki sa isang subject ata. Nagpaalam naman siya sa akin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Sakto namang nakita ko sa isang table sina Patrick at Keisha. Bigla tuloy kumulo 'yung dugo ko. Si Jess naman kasi eh! Shiniship ko na nga sila ni Patrick dati tapos nangyari pa 'to. Nakakaloka talaga 'yung dalawang Campus Princess na 'yun pagdating sa love life nila. Masyado nilang pinapaniwala 'yung sarili nila na hindi sila in love sa isang tao kahit ang totoo ay patay na patay sila. Ganun ba talaga ang mga matatalino? Ay bahala na nga sila sa buhay nila!

"Ouch!"

"Oops. Sorry!"

Nagulat ako nung may nabangga na pala ako. Kasi naman! Bakit ba kasi tinignan ko pa 'yung dalawang 'yun? 'Di ko tuloy nakita 'yung nilalakaran ko!

Napatingin ako sa babaeng nabangga ko. Hanggang balikat lang 'yung brownish hair niya at ang ganda ng features ng mukha niya. Large eyes, high nose bridge, thin lips and rosy cheeks. Medyo mas maliit siya sa akin pero nakakaintimidate ang presence niya. Sumulyap ako sa ID niya at nakita kong freshie siya dahil sa kulay ng lace. Pagtingin ko sa tray na hawak niya, natapon pala 'yung inumin niya pero other than that ay wala namang ibang nangyari. Naguilty tuloy ako.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon