Chapter 32

73K 2.3K 396
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I had my first kiss three days ago.

Actually, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. It felt like it everything was just a dream. I remembered running away after that because I was too embarrassed to be with him. Hindi pa nga 'yong kiss ang inalala ko kundi ang kinain ko bago 'yon.

"Hayan na naman siya."

"Hello? Earth to Alice?"

"Hulog na hulog siya, oh."

Pinagtitripan na naman ako ng tatlo pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tuwing naaalala ko 'yon ay gusto kong ibalot ang sarili ko sa kumot at magpagulong-gulong sa kama para lang ma-contain ko ang kilig ko. Hindi rin nakatulong sa pagmu-move on ko sa nangyari ang pang-aasar ng mga babaeng 'to. Naalala ko pa ang mga reaksyon nila nang sinabi ko 'yon. I ran to them after that and absentmindedly told them what happened. Steff choked on her chocolate cake while Yna spilled her water on the table. On the other hand, Jess kicked me under the table and almost threw her phone at me.

"Oh my gosh," Yna suddenly muttered.

Napatingin naman kami sa kanya at nang mapansin niya 'yon ay bigla niyang tinago ang phone niya at ngumiti.

"Nice try but nope. Show me," sabay lahad ko ng kamay sa harapan niya.

"But . . ."

"Wait, are you on that portal again?" tanong ni Steff at kumunot naman ang noo ni Yna.

"Nope."

"You're not a good liar, Yna," dagdag ni Jess. "Si Alice, oo, ikaw hindi."

Dahil na-corner na namin siya ay wala na siyang choice kundi ipakita 'yon sa amin. She hesitantly placed her phone on the table and true enough, she was on the underground site again. Nang makita namin ang article na nakabukas ay doon ko lang na-realize kung bakit ayaw niyang ipakita 'yon sa amin.


Breaking the Royalty Couple Streak: Kevin Fuentez and a Commoner


Title pa lang ay alam ko na ang gustong iparating ng sumulat ng article na 'yon at halata namang affected din sina Steff at Jess dahil sa akin.

"Sinong writer?" tanong ni Steff.

"Gewena Zarsa," sagot naman ni Jess matapos niyang i-scroll ang page na 'yon.

"Gewena? Ya, isn't that the girl who begged Kevin to not leave her?" dagdag ni Yna at doon ko lang din na-realize na siya nga ang naabutan namin sa cafeteria last time.

Tumingin naman silang tatlo sa akin at binigyan ko sila ng mabilis na ngiti.

"Anong akala n'yo sa akin, iiyak sa ganyan?" I remarked and they gave me a variety of expressions.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Where stories live. Discover now