Chapter 7

106K 3.6K 385
                                    


I just stared blankly at him after saying those words. I don't even know if I heard it right. Sinabi niya ba talaga 'yun? Kaming dalawa? Sasayaw? Jusko, Alice, gumising ka!

"Uy Kevin! Nandito ka lang pala!"

Napalingon naman kami pareho at nakita namin si Kuya Owen, isa sa mga senior member ng org at siya rin ang vice president.

"Bakit, Kuya Owen?" tanong ni Kevin at medyo nagulat ako dahil first time ko siyang narinig na tawagin ang isang tao ng kuya. Sabagay, mas matanda sa amin ng dalawang taon si Kuya Owen.

"Hinahanap ka ni Jane. Kanina pa ako kinukulit. Kausapin mo na 'yun dahil kanina pa siya nasa lobby," sabi ni Kuya Owen at mukhang kita sa mukha niya ang pagkainis.

"Okay. Thanks," sabay tapik ni Kevin sa braso niya at naglakad siya papunta sa pinto.

Tss. Panira talaga ng moment ang Jane na 'yan. Lagi na lang. May radar ba siya kapag magkasama kami ni Kevin at lagi siyang nakakaramdam?

Bigla namang lumingon si Kevin at tumingin sa akin kaya hindi ako nakagalaw.

"Don't forget our deal," sabi niya at aba ang loko, kumindat pa! Oh my gosh, papatayin niya ba talaga ako? These past few days, nagiging delikado na ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tuluyan na siyang lumabas at naiwan kami ni Kuya Owen sa loob. Nung nakatinginan kami ay nakangiti siya nang nakakaloko kaya kumunot agad ang noo ko.

"Mukhang may something sa inyo ni Kevin ah," pang-aasar niya. Sus. Buti sana kung meron pero hanggang usap at sulyap lang ako sa kanya. Bwisit kasing Kevin 'yun, sobra kung maka-flirt sa ibang babae. Pasalamat siya crush ko pa rin siya hanggang ngayon kahit ganoon siya.

"Nako, wala Kuya. Nantitrip lang 'yun. Tsaka huwag n'yo akong itulad sa ibang babae na kindatan lang ni Kevin ay mafo-fall na kaagad."

Bigla namang pumalakpak si Kuya Owen after that. Sino namang niloko ko 'di ba? Pero ayaw kong sabihin sa kanya na crush ko si Kevin dahil baka lalong mang-asar.

"Ready ka na ba para sa showdown next week?" tanong ni Kuya Owen at ilang segundong nag-loading ang utak ko.

"Showdown?" Nagbago rin ang expression niya at nagtaka kung bakit hindi ko alam ang tungkol doon.

"Hindi ba nasabi sa'yo ni Jon?"

"Ang alin po?"

"Magkakaroon ng dance showdown ang recruits at org members. This will be your rite of passage."

"What?"

Inexplain sa akin ni Kuya Owen ang mangyayari at minessage ko kaagad si Jon dahil hindi niya 'yun nasabi sa akin last time. Umalis ako sa tambayan at medyo nagulat pa ako dahil ang dilim na sa labas. Pagtingin ko, mag-a-alas siete na pala. Bigla namang nag-ring ang phone ko at nung nakita kong pangalan ni Jon ang nakadisplay ay sinagot ko kaagad.

"Als! Sorry!" Nilayo ko ang phone sa tenga ko dahil ang lakas ng boses niya. "Nakalimutan kong sabihin kasi may dalawang exam ako this week tapos 'di pa kita nakikita ulit. Sorry!"

"Okay lang, nasabi naman na ni Kuya Owen. Pero dahil dyan, ililibre mo ako bukas ng lunch."

"Yun lang ba? O sige, gusto mo sa susunod na araw pa."

Pinigil ko ang tawa ko dahil sobrang guilty siya at ang sarap niyang pagtripan kapag ganito. Minsan lang ako mantrip dahil laging siya ang nang-aasar sa aming dalawa. Pagkatapos nun ay tuluyan na akong umalis sa building.

Naglakad ako papunta sa main gate para umuwi na dahil kaunti na lang ang estudyante rito. Gabi na rin kasi at maagad pa ang klase bukas. Pero takte naman, bakit hindi man lang ako tinext ng tatlong babaeng 'yun? Umuwi na ba sila? Wala tuloy akong kasabay!

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon