Chapter 5

110K 3.8K 744
                                    


Tahimik lang kaming tatlo rito sa may likod ng building at naloka ako sa tension na bumabalot ngayon sa amin. Sobrang awkward! Pero hindi ko pa rin magawang matignan nang maayos si Kevin kahit na magkaharap lang kami ngayon.

"You didn't need to do that, Kuya," biglang sabi ni Karla kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

"That dumbass was ready to punch the both of you. You think I would let him do that?"

"But still!"

"Um..." Sabay naman silang napatingin sa akin at binigyan ko sila ng isang pilit na ngiti. "Sige, alis na ako."

Alangan namang makisali ako sa kanilang magkapatid, na ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. Tanga ko rin kasi, eh. Bakit ba ako nakialam? Muntik pa tuloy akong masuntok kanina! Humanda sa akin ang lalaking 'yun!

"Wait!" Naramdaman ko ang kamay sa pulsuhan ko at paglingon ko ay nakahawak doon si Kevin. OH MY GOD. Ito na ba ang tinatawag nilang sparks? May kuryente akong naramdaman!

"B-bakit?" Jusko Alice, huwag kang pahalata! Huwag kang tumingin sa kamay niyo!

"Ah, sorry," sabay bitaw niya sa akin. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, bakit ka kasi nakatingin sa kamay! "Thank you, for saving her," tapos tumingin siya kay Karla. Napatingin din ako kay Karla at nag-iwas naman siya ng tingin.

"Thanks," mahina niyang sabi.

"Ah, w-wala 'yun. Napadaan lang talaga ako tapos bigla kong nabato 'yung phone ko—oh my gosh, 'yung phone ko!"

Tumakbo agad ako kung saan ko nakitang nalaglag ang phone ko kanina. Hinanap ko sa damuhan pero hindi ko makita. Hala ka, saan napunta 'yun?! Naman o! Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng ibato sa lalaking 'yun, cellphone ko pa ang naisipan kong gamitin? Paano kung—wait.

"Shet baka kinuha niya," bulong ko sa sarili ko.

"Tingin mo?"

"AY ANAK KA NG!"

Napaupo ako sa damuhan dahil bigla kong narinig ang boses ni Kevin sa tenga ko. Para akong nakiliti na ewan dahil nasa likuran ko lang pala siya nung nagsalita siya. Jusko naman, balak niya ba talagang patayin ako?

"S-sorry," mahina kong sabi. "B-but yeah. Mukhang kinuha niya nga."

Kahit na 'yun na ang chance ko na makasama ko ng ilang minuto si Kevin ay mabilis akong tumakbo para hanapin ang lalaking 'yun. Pero wait, saan ko naman siya hahagilapin?

"Alice!" Napalingon naman ako at saktong nakita ko si Yna kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"So how's the confession—"

"Do you know Stan?" Saglit siyang napatigil at kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko.

"What?"

Kinuwento ko sa kanya 'yung nangyari at buti na lang ay maraming alam 'tong si Yna pagdating sa Campus Princes and Princesses. After that ay dumating na rin sina Steff at Jess kaya naman inulit ko na naman ang kwento.

"Oh my gosh, Alice. Akalain mong makakikilala mo ang kapatid niya sa ganoong paraan?" sabi ni Steff habang kumakain ng strawberries na baon niya.

"Pero in fairness, pwede ka na sa action movies. Tapos ang weapon mo ay phone," sabay tawa ni Jess kaya naman tinignan ko siya nang masama.

"Excuse me, miss unknown particle, for your information, dahil din sa phone mo kaya kayo nagkamabutihan ni Patrick!" Pagkasabi ko nun, ayun, natahimik siya. Pfft. Akala niya ha! Though ang kaibahan lang namin, si Patrick mismo ang nakasira ng phone niya dahil natapakan niya tapos sinapak siya ni Jess. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko 'yun.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon