Chapter 11

94.2K 3K 260
                                    


"You almost kissed me."

OH MY GOD. STOP!

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko at mawala ang expression na 'yon ni Kevin sa utak ko. Ilang minuto na ako rito sa labas pero sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko para magising sa katotohanan pero napapangiti ako bigla dahil nagrereplay talaga 'yon sa isip ko.

Hoy, magtigil! saway ko sa sarili ko pero parang may sariling utak ang labi ko. Kabado pa rin ako pero nangingibabaw na ang kilig ko ngayon sa nangyari. His face was too close to mine, his eyes were only looking at me, and those words were meant for me.

"Ate Alice?"

Nagdissolve bigla ang imagination ko no'ng narinig ko ang pangalan ko. Nagulat na lang ako no'ng nasa gilid ko na si Karla kaya naman nag-poker face agad ako.

"No need," she suddenly said. "I already saw you grinning like a mad person."

"Hala. Hindi naman," sabi ko naman pero parang ang defensive ng tono. Bigla tuloy siyang ngumiti nang nakakaloko.

"Talaga ba? Kuya!" Nagpanic ako no'ng bigla niyang binuksan ang pinto ng dance room kaya hinatak ko kaagad siya pero huli na dahil nakita na kami ni Kevin.

"Gising ka na pala," sabi niya habang nakatingin kay Karla, tapos biglang lumipat ang tingin niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Are you guys practicing?" sabay tingin din sa'kin ni Karla na halata namang nang-aasar.

"Yeah. Break lang sandali."

As usual, parang wala lang sa kanya ang nangyari. Hindi naman na bago 'yon pero medyo nakakalungkot. Pumasok na lang ulit ako sa loob at tumabi sa recorder para panoorin ulit ang practice namin kanina.

"Ang sakit mo palang manuntok," biglang sabi ni Kevin kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas na ang kilay ni Karla sa aming dalawa.

"H-hoy, hindi ko naman sinasadya 'yon!"

"Sa lakas no'n?" sabay hawak sa dibdib niya at aba, may pa-acting-acting pa siyang nalalaman.

Bigla naman akong nahiya dahil sa pagsuntok ko sa kanya kanina. Pero kasalanan niya naman, eh! May pasabi-sabi pa siya ng 'you almost kissed me' tapos isang marupok na tulad ko pa ang sinabihan niya. Syempre kinilig ako ro'n pero kailangang magpigil at ang defense mechanism ko sa mga ganyang bagay ay either manghampas o manuntok.

"Hindi naman malakas 'yon," sabi ko na lang dahil lalong tumataas ang kilay ni Karla sa aming dalawa.

"So . . . what happened? Can you guys fill in the details?"

"Basically, this girl," sabay turo sa akin ni Kevin, "punched my chest because we almost k—"

Hindi na niya naituloy ang k-word na 'yon dahil nagmadali akong pumunta sa pwesto niya para takpan ang bibig niya ng towel. He looked at me as if I did something wrong so I glared at him in return.

"Ha! Ha! Sinuntok ko siya kasi hindi niya sineseryoso ang practice," sabi ko sabay ngiti kay Karla. Bigla namang hinawakan ni Kevin ang braso ko at tinanggal niya ang towel na hinarang ko sa bibig niya.

"Sinuntok?" he suddenly asked. "Akala ko ba hindi mo sinasadya?"

Pagkarinig ko no'n ay napabuntong-hininga na lang ako. Jusko naman! Pati ang usage ko ng words, ginagamit niya laban sa akin! Pasalamat ka ang cute mo ngayon.

My gosh, ang hirap magpigil ng feelings kapag ang crush mo ay nasa harapan mo lang at may pangiti-ngiti pang nalalaman. Idagdag pa ang kapatid niya na ang lakas manggatong kaya ayan, sunog na ako rito.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon