Chapter 15

90.5K 2.9K 325
                                    


Ilang araw na ang nakakalipas pero 'di ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Karla last time.

"He always acts like that every time this day of the year comes, because six years ago, on this same day, our mother left us behind."

Bigla ko tuloy narealize na baka kaya gano'n ang personality niya ay dahil sa nangyari sa kanila ng Mom niya. Kasi naman 'tong si Karla, bigla na lang sinabi ang ganitong bagay! Hindi na tuloy ako pinatahimik ng utak ko.

"Alice? Kanina ka pa nakatulala d'yan," sabay siko sa akin ni Steff.

"Maybe she still can't get over Kevin," dagdag naman ni Yna.

"Why do I feel I'm far from getting over you~" Aba't kumanta pa ang Jess na 'to. O, eh 'di siya na may magandang boses.

Sinamaan ko lang sila ng tingin at bumalik na sila sa mga pinaggagawa nila. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa Mom nina Karla at Kevin dahil ayaw ko namang kumalat 'yon. Nagiguilty nga ako dahil kahit papaano ay naiintindihan ko na kung bakit gano'n ang kilos ni Kevin noong gabing 'yon.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Yna para sana mag-aral para sa exams namin pero heto kami't nagkukwentuhan at kumakain lang. Sabagay, kahit naman hindi na magreview 'tong sina Steff at Jess, papasa pa rin, pero kami ni Yna, kailangang mag-stock ng knowledge.

"Pero seryoso nga, 'di mo na siya crush?" tanong naman ni Steff habang kinakain ang chocolate cake na kakalapag pa lang sa table.

"Maybe she found a new one. You know Alice," Yna butted in and I glared at her.

"Excuse me, ang tagal kaya nitong kay Kevin!"

"Naks naman, loyal," pang-aasar pa ni Jess.

"Ang supportive n'yo rin as friends, ano? Salamat ha," sarcastic kong sabi at tinawanan lang ako ni Steff.

Pinakain naman muna kami ng snacks ni Tita Hannah dahil mukha na raw kaming pagod kahit hindi pa naman talaga kami nagsisimulang mag-aral.

Napatingin naman ako sa phone ko at ilang beses na akong nagdadraft ng text pero 'di ko pa rin ma-finalize kung ano ba ang dapat kong sabihin. Naguilty kasi ako sa attitude ko sa kanya noong gabing 'yon nang malaman ko ang tungkol sa Mom nila kay Karla. Gusto kong mag-sorry pero naisip ko naman na wala akong ginawang masama para sabihin 'yon. Gusto ko rin i-comfort siya pero baka isipin niyang nanghihimasok ako so huwag na lang.

I groaned and the three of them looked at me with their furrowed brows.

"Akin na nga!" sabay agaw naman ni Jess ng phone ko at tumakbo siya sa kabilang side.

"Hoy!" Tatayo na sana ako pero dinaganan naman ako ni Yna.

"O, ayan, na-send ko na. Wala ka nang poproblemahin."

"Sinend mo?! Gaga ka!"

"'Yan na ba ang bagong thank you? Okay. Gaga ka rin."

"Pfft. Para kayang sushi," sabi naman ni Steff at nakita kong kinukuhanan niya kami ni Yna ng picture.

Tinulak ko naman si Yna at kinuha ko kay Jess ang phone ko. Sinubukan niya pang itaas ang kamay niya pero dahil maliit siya, naabot ko kaagad.

"What the heck? Sinend mo nga?!" Gusto kong ibato ang phone ko nang makita ko ang tinext niya kay Kevin. Sinipa ko si Jess pero naiwasan naman niya at tumakbo sa tabi ni Steff.


Hi, Kev. Galit ka ba? :(


Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon