Chapter 3

126K 3.8K 309
                                    


For three days ay inistalk ko ang Jane na 'yun. Buti na lang at marami akong connection kaya nakalap ko kaagad lahat ng information na kailangan ko.

Rank 5 siya sa overall ng third years last sem at isa rin sa mga Campus Princess simula nung pumasok siya sa university na 'to hanggang ngayon. Aba, consistent ang bruha.

Bumisita rin ako sa underground website at isa sa mga hot news ang break-up nila ng boyfriend niya. Nakalagay doon na mula first year ay sila na kaya naman ang daming reactions dahil break na sila. May picture pang naka-attach na mukhang may kasamang ibang babae 'yung lalaki at 'yun daw ang dahilan ng paghihiwalay nila. May related gossip pa na about naman kay Jane at Kevin kaya napataas ang kilay ko.

"Kainis ka! Sa lahat ng pwedeng ipalit sa boyfriend mo, bakit 'yung Kevin ko pa!" sigaw ko sa harap ng laptop ko habang dinuduro-duro ko ang picture ni Jane na nakadisplay sa article.

"Maka-Kevin "ko" ka naman, Alice. 'Di mo nga makausap nang matino tapos lakas mo maka-claim na sa'yo," sabi ni Jess kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Let her dream the impossible dream," dagdag ni Yna habang kumakain ng chocolate cake.

"Sabi ko sa'yo ilalakad ka na lang namin eh, ayaw mo naman." Isa pa 'tong si Steff. Porque masaya na ang buhay niya!

"Alam n'yo, ang bubuti n'yo ring friends e, no? Sobrang supportive, nakakatouch," sabay irap ko sa kanila at ang mga bruha, tinawanan lang ako.

Nandito nga pala kami ngayon sa bahay nina Steff dahil weekends at wala pa namang masyadong requirements for next week. Buti nga 'tong si Steff, nagagawa pa ring sumama sa amin kahit may boyfriend na. Madalas kasi ng mga nakikita at nababasa ko, nawawalan na ng time sa friends ang mga tao kapag may boyfriend o girlfriend na.

"So, ano nang plano mo?" tanong ni Jess at this time, tinaasan ko siya ng kilay.

"Wait, 'di ba ako ang dapat magtanong sa'yo niyan? Anong plano mo kay Patrick?"

Ayun. Natahimik ang babaeng maliit. Pfft. Ako pa ang kakalabanin mo sa asaran ha?

"Pero 'di ba nakasama natin si Jane sa Feb Fair before, Jess?" tanong naman ni Steff nung bumalik na ang topic namin sa lintik na Jane na 'to.

"Yup. Ang alam ko lalo siyang sumikat dahil ang bongga ng production number nila that time."

"Of course, she danced with her boyfriend, and I admit, she's a great dancer," dagdag ni Yna.

Bakit ba hindi ko nakita ang prod nila? Dahil ba 'yun sa pagkausap sa akin ni Kevin nung mga panahong 'yun kaya buong gabi ay wala ako sa wisyo? Peste kasi 'tong si Steff eh! Lakas mantrip!

Ginamit namin ang buong araw para manood ng movies at magkwentuhan sa mga bagay-bagay, hanggang sa mag-alas sais na kaya naman umalis na kami nina Jess at Yna. Sakto namang paglabas namin ay naghihintay na doon si Kuya Xander, Yna's older brother.

"Oppa!" sigaw ni Yna at dahil ilang years na kaming magkaibigan ay naiintindihan ko na ang Korean words na binabanggit niya spontaneously.

Sumakay kami sa kotse na dala niya at naupo kami ni Jess sa likod. After some time ay nakarating na rin ako sa bahay namin. Pagpasok ko ay binati ko lang sina Mom and Dad, and after that ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Humiga lang ako sa kama at tumitig sa kisame. Bigla ko tuloy naalala ang una at huling pag-uusap namin ni Kevin nung Feb Fair.


"Yes? Ikaw ba 'yung naghahanap sa akin na sinasabi ni Tiffany?" Nung lumapit siya sa akin ay sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko to the point na parang nasa lalamunan ko na 'yun. Gusto kong sakalin si Steff nung panahong 'yun pero nakatakas na ang bruha.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon