Chapter 37

62.5K 2K 161
                                    


Pagbaba ko sa sasakyan ay halos hindi ko na maramdaman ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba. My steps were getting heavier. My heart was about to explode. I was too anxious to enter the campus as if I was back to being a freshman again.

Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka bigla na lang sumulpot si Kevin kung saan. After what he said last night, I doubt I can face him right now. Isa pa, hindi ako ready sa mapag-uusapan namin, lalo na't tungkol 'yon sa respective families namin.

"Hoy!"

"Ah fudge!"

Halos atakihin naman ako sa puso nang may humawak sa balikat ko, kasabay ng pagsigaw sa tenga ko. When I turned around, I saw Jon laughing like it was the funniest thing he did in his whole life. Sinuntok ko naman ang balikat niya dahil akala ko ay si Kevin siya.

"Bwisit ka! Akala ko kung sino!" I complained as I tried to calm down.

"Tara sa studio, may meeting daw," sabi naman niya kaya napakunot ang noo ko.

"Meeting? Wala namang in-announce ah?"

"Emergency meeting yata. Tara na."

Wala naman akong nagawa kundi sundan siya. He was typing something on his phone and I tried to take a peek but he immediately sensed me. Agad niya namang tinago ang phone niya kaya hindi ko nakita kung sino ang ka-chat niya.

"Ayaw mo talagang sumuko, ano?"

Ngumiti naman ako. "Malalaman ko rin 'yan later," I stated. Medyo may idea na rin ako kung sino. Kailangan ko na lang ng evidence.

Habang naglalakad kami papunta sa dance studio ay naramdaman ko na naman ang mga mata ng estudyante sa akin. I was getting used to it but sometimes, it felt distressing. Dahil sa "connections" ko sa mga campus prince at princesses sa batch namin ay nagiging laman na rin ako ng mga tsismis. I thought it would change since new year naman na pero gano'n pa rin.

Nauna na akong maglakad kay Jon para makatakas na ako sa mga titig nila pero pagdating namin sa loob ng dance studio ay napahinto ako dahil walang tao.

Napalingon ako kay Jon. "Akala ko ba may—" I stopped halfway when I saw him closing the door from the outside. "Hey! What are you—"

"Sorry," he interjected. "I was just doing someone a favor."

"What?!"

"Good luck, Als!"

"Teka, Jon!"

Ilang beses kong kinatok ang pinto mula sa loob pero wala nang sumasagot sa labas. That guy! Iniwan niya talaga akong mag-isa rito?! Humanda talaga 'yan sa akin kapag nakalabas ako!

I was about to call him when I heard footsteps coming from one of the rooms. That was when I realized what was happening.

My heartbeat raced crazily when I heard music. It was one of my favorite .

When I was younger

I saw my daddy cry

And curse at the wind

The door to one of the dance rooms opened and there he was, the guy I was trying hard to avoid this day.

He was holding the same flower he gave me before everything went wrong. The same flower that made me feel like a real princess.

He broke his own heart

And I watched

As he tried to reassemble it

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon