Five*

5.6K 55 7
                                    

Five*


AISHA's POV

Hingang malalim. Kaya ko to! Pumasok na ako sa loob ng classroom. Nakatingin sa akin ang mga classmates ko. Yung iba, nakataas ang mga kilay. Yung iba, nagbubulung-bulungan na. Yung iba, wala lang. Walang paki-alam. Hayy. Bakit kasi hindi ako pumasok kahapon? Tss. E hinahanap ko pa yung haunted mansion ay este black dorm na yun e.

Teka? San ako uupo?

*Tingin sa likod*

Maliit na nga ako, sa likod pa ako? ABA! Ang malas ko talaga. Dumeretso na ako sa likod pero hindi ko pa nalalagay ang aking mamahaling bag *Put sarcasm (hindi ko naman kasi yang gusto. Binili lang nang step-mother ko.)* ay may nanulak na sa akin.

Syempre sexy este payat.. kaya ayan. Bagsak.

Sakit ah!

Inayos ko ang sarili ko. Kabago-bago ko pa lang, binubully na ako. Hayy. Ang hirap kasing maging maganda. Tinignan ko kung sinong nanulak sa akin. Tatlo sila. Hmm. Powerpuff girls lang ang peg? E paano naman kasi. Yung bag nila, kulay Blue, red at green. O diba? Powerpuff girls? Tss. Childish much.

"Anong problema niyo?" Mahinahon kong tanong. Ayaw ko ngang makipag-away. Hindi ako warfreak. Bitter lang ako sa buhay ko. Wala naman akong pakialam kung awayin nila ako nang awayin. Hindi ko naman kikayayaman yun. LIKE HELLO? MAYAMAN NA AKO.

"Problema ka namin."

"Ganun ba? Okay." Casual ko lang nasabi. Ewan. Hindi naman ako hinahighblood sa kanila katulad nung ginagawa nung lalaking yun sa akin. Sino na nga pala ulit yun? Nagpakilala na ba yun? Aba! Ewan. Huwag nang alalahanin at naaalala ko yung dalawang beses niya akong tinawag na 'useless'.

Napataas naman ang kilay nung may bag na red. Pangalanan na lang natin siya na Blossom. "You know what? I certainly hate you. Hindi porket mas mayaman ka sa amin, gagawin ka na naming prinsesa!" Iritadong sabi nito.

Ewan ko kung anong problema nito e. Hindi naman inaano? Papansin? Kulang sa pansin? Feeling close? Ano ba talaga? Pero syempre, tahimik lang ako. Tinatamad akong magsalita e. Stress pa ako dahil sa nangyari kagabi. Hindi na rin ako ngingiti. Baka mapagkamalan naman akong baliw next time. Mahirap na.

"Ugh! Pipi ka ba?" Yung may green na bag naman ang nagsalita. Siya naman si Buttercup.

"I'm not. Wala kasi kayong sense kausap kaya hindi na lang ako magsasalita." Sabi ko. Tinignan ko sila at napailing. Unang araw ko sa klase may kaaway na ako. Wow. Magandang simula ito. Umupo na ako sa upuan na napili ko. Salamat na lang at sa tapat yun nang bintana. Mas nakakarelax kasing tumingin sa labas kaysa sa loob.

"UGH! I so hate you Aisha!"

Napalingon naman ako. "How do you know my name?" Nakakapagtaka naman. Sikat na ako? Agad-agad? E wala pa nga akong nagagawa? At wala akong planong gawin para sumikat.

"Why are you on the same dorm with Peejay and the others? Binayaran mo siguro ang school nato no? Ang malalandi nga naman. Gagawin talaga lahat!" Inis na sabi naman ni Bubbles. Alam niyo na ibig kong sabihin.

"Oo nga. To think na ikaw lang ang babae sa famous black dorm? Ugh! Iba na talaga ang nagagawa nang pera." Si Blossom.

I rolled my eyes. Then tingin sa labas. Jusko! Yun lang naman pala yung ipagpuputok ng butse nila. Yung pagkapasok ko sa haunted house, ay excuse me.. famous black dorm nga pala. Nakakahiya naman sa mukhang haunted house na bahay na yun! At saka like duh! Para namang ginusto kong mapunta ako dun no? Pati naman ako nagulat e.

Pero *flipped hair* na lang. Wala naman silang magagawa sa mga pinagsasabi nila. They don't like me. I don't like them too. Simple. Hindi na dapat pang pinapahaba yan.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora