Fifty Nine*

1.3K 30 13
                                    

FiftyNine*

NIXON's POV
Kanina pa tulala si Aisha. Well, simula ata kasi noong isang araw, hindi na sila nag-uusap ni Denver. Gusto ko mang tanungin kung bakit.. Pero wala akong lakas ng loob e.

Syempre, away nila yun ng boyfriend niya at labas na ako doon.

Tsk. Bakit kasi yun pa ang pinili ni Aisha e. Kung ako yun? Sigurado akong hindi siya malulungkot ng ganyan.

"Hoy Aisha! Tama na nga yang pagkasimangot mo. Nakakasira ng sabado e." Si Tristan yun.

"E kasi..."

"Dadahilan pa e. Halika na lang dito sa kusina. Gawa tayo ng spaghetti."

"Spaghetti? Pwede pahingi?" Si Daryl na kalalabas lang ata sa kwarto niya. Ang gulo pa ng buhok niya.

"Hindi pa nga nagagawa, nanghihingi ka na. Tulog ka muna, gisingin ka na lang namin pag luto na." Si Tristan na inaayos na ang lamesa.

"Okay." Daryl said then he walk to the sofa then the next thing I saw is he was lying there and sleeping soundly.

"Hmm.. Anong nangyari kay Edcel? Isa pang tulala." Puna ni Tristan nang tumingin ito sa sala.

Napunta tuloy ang atensyon ko kay Edcel. He was gloomy and kinda pale. May sakit ata ang isang to e.

"Hoy Nixon.. Close kayo diba? Anong nangyari dyan?" Tanong sa akin ni Tristan. Nagbubukas ito ng corn beef na naka lata.

"We're not super close." Yun lang ang sabi ko. Hindi naman talaga kami ganung kaclose. Pero pwede na din dahil pareho naming alam ang sekretong bumabalot sa katauhan ni Aisha. Argh. Sana hindi niya na lang binigay sa akin yung envelope.

"Aisha, kumukulo na ba?"

"Hindi pa Tristan. Kalalagay ko lang kaya ng pasta."

"Ay hehe. Lulutuin ko na lang tong sauce. Maghiwa ka muna ng hotdog. Asan nga pala yung tomato sauce natin?"

Pinapanuod ko lang si Aisha at Tristan na magluto. Buti pa tong dalawang 'to. Alam magluto.

"Hoy.." Si Tristan at may iniabot sa akin.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Papapakin mo."

"Huh? Hindi ako nagpapapak ng cheese."

"Baliw ka talaga. Eto oh!" Tapos binigyan niya ako ng kudkuran. "Kudkurin mo tong cheese para naman may magawa ka."

Napa-face palm ako. Sabi niya papakin ko daw tapos ngayon, kudkurin ko? Ewan. Gulo ng lahi ng lalaking to e.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon