Thirty Seven*

3K 58 32
                                    

Thirty Seven*

 

AISHA’s POV

Out of place -___-

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Paano ba naman kasi, kanina pa sila nagkwekwentuhan tapos hindi nila ako sinasali. Hello? Nandito ako oh! Pero parang wala naman silang nakikita. Oo nga naman kasi, hindi naman kasi kami close e. Ako na feeling close diba?

Kung noon, wala naman akong pakialam kahit hindi nila ako kausapin.. Kahit wag na nila akong pansinin, o kahit isipin pa nila na hindi ako nag-e-exist pero ngayon.. hindi na ako sanay e. Hindi na ako sanay mag-isa. Madami nang nagbago. Hindi na ako yung dating Aisha na walang pakialam.

“Uy.” Lumingon naman silang dalawa.

“Bakit?” Tanong ni Raquel samantalang si Vanessa ay umismid lang. Ewan ko pero lagi kong napapansin na parang ang bigat nang loob sa akin nang babaeng to e.

“Sali naman ako.”

“Sasali ka? Bakit naglalaro ba kami?” Si Vanessa.

“Vanessa!” Pinanlakihan ni Raquel ng mata ito.

“Galit ka ba sa akin?” Pranka kong tanong. Bakit ba lahat na lang ata nang tao, may galit sa kaniya? Nakapatay ba siya nang tao? Nang-agaw na naman ba siya nang tatay?

“Oo. Galit ako sayo!”

Napakunot naman ang noo ko dun. Ano na naman bang ginawa ko? Kakainis na ah! Tumayo na ako sa kama ko. Nilapitan ko siya. “Ano bang ginawa ko sayo?”

“Salot ka e! Hindi ka na nakuntento sa isa! Kailangan silang apat talaga? May dalawa ka na diba? Si Tristan at Nixon! Bakit kailangan pang idamay mo si Denver at Edcel sa kalandian mo!?” Nakatayo na rin ito.

“Vanessa naman!” Awat ni Raquel dito. Tumayo pa ito at biglang lumabas.

Napanganga naman ako. AS IN!? Ako malandi? Inakit ko ba ang mga ito para magustuhan ako? hindi naman diba? “Hindi ko sila nilalandi! Hindi ko na kasalanan kung nagkagusto sila sa akin! Hindi ko din naman ginusto yun ah. Bakit sakin ka nagagalit!? Wala akong ginagawang masama!” Napapasigaw na ako.

“Anong wala?” Sinamaan niya pa ako ng tingin. “Inakit mo sila kaya sila nagkagusto sayo! Katulad ng nanay mong nang-agaw nang asawa nang may asawa! Pareho kayong malandi! Now I know kung kanino ka nagmana!” Sumisigaw na din ito.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Where stories live. Discover now