Thirty Four*

3.5K 58 15
                                    

Thirty Four*

AISHA’s POV

Ilang buwan na rin ang lumipas. Third Grading na nga e. Actually, katatapos lang ng exam. Sem Break naaa! Kainis nga e, yung science’s exam kanina, nablangko ako. Paano ko maaagaw ang trono nyan kay Denver?  Oo, as usual, si Denver pa rin ang Rank One. Hindi ko nga alam kung paano ko siya tatalunin e. Lagi niya na lang akong nauungusan! Dahil ba yun sa magkaiba kami ng section o sadyang magaling lang siya? Tss! Bakit ba masyado siyang magaling? HMP LANG!

Pero ang bilis talaga nang panahon, magpapasko na. Nakakainis nga lang kasi kasali sana kami sa Finals nang battle of the bands kaso hindi na namin itinuloy. Bawal kasi pala yun. Bawal sa school na to ang sumali sa mga ganung event. Yung pangmatagalan. Kaya no choice kami, masakit man, wala na kaming magagawa.

Ang sabi naman ni Nixon, meron pa namang mga susunod na event e. Hindi pa katapusan nang mundo.  O diba? Hindi siya pinanghinaan nang loob. Nagbago na talaga si Nixon :)

“Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?”

Napatingin naman ako sa lalaking tumabi sa akin. Nasa garden kasi ako.

“E kasi naman Tristan, akalain mong nagbago na talaga si Nixon no? Hindi na siya yung dati na tahimik lang at hindi nagsasalita.. Ngayon nga e mas nagsasalita pa siya kaysa kay Daryl hehehe.”

Ginulo niya naman ang buhok ko. “Pakiramdam ko, mas gusto mo si Nixon sa aming apat.” Sabi niya pero walang halong selos.

Nagblush lang ako. Siguro nga, mas gusto ko si Nixon sa kanilang apat. E kasi naman, siya lagi kong nakakasama. At saka ang bait niya, lagi siyang nandyan para sa akin. Lagi din siyang nag-aadvice kung may problema ako.

Narinig kong bumuntong hininga si Tristan.

“Bakit?” Tanong ko. Para kasing may problema siya e.

“Kung si Nixon talaga ang pipiliin mo, okay lang sa akin. Kilala ko si Nixon, mabait siya. At alam kong aalagaan ka niya.” Seryoso nitong sabi at nakatingin pa sa mga mata ko.

Pero nag-iwas ako nang tingin.

“A-ano ka ba naman Tristan, sabi ko na dati diba? Wala akong pipiliin hangga’t hindi dumadating yung right time. At isa pa, gusto ko lang siya. Hindi ko pa siya mahal.” Totoo naman yun e. Hindi ko pa siya mahal. Wala pa akong mahal sa kanila. Parang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanila. Ang hirap naman kasi nang ganito e.

“HAHAHA. Ganun na din yun e. Gusto mo siya, san ba pupunta yun e di pa sa pagmamahal? HAHAHAHA. Nakakasakit naman ng damdamin to.” At nilagay niya pa yung kamay niya sa dibdib niya at tipong naninikip ang dibdib.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Where stories live. Discover now