Eight*

5.3K 58 16
                                    

Eight*


Author's Note: Medyo maikli lang siya. Hindi pala medyo, maikli talaga siya. Pero promise, mag-a-update naman ako bukas ng mahaba hehe.

Salamat nga pala sa lahat nang nagvote at yung mga nagcomment sa last chapter. HOHO. Pinasaya niyo ang gabi ko. :">

Happy Reading :))



AISHA's POV

ELECTION DAY.

WALANG KLASE.

BORING -___-

Bakit ba ganun? Ang boring kong tao? Minsan masaya ako pero madalas malungkot ako? ANO AKO? Baliw ako.

"AISHA!!!"

Nagliwanag ang mukha ko. Ooopps. Hindi ito ang characher ko. Ahem. Poise. Medyo gloomy.

"Bakit ka sumisigaw? Nandito lang naman ako." Sabi ko. Para naman kasing ang layo-layo ko sa kaniya e magkatabi lang yung mga rooms namin. Haha.

"Eh wala lang, trip ko lang. haha. Tara.. Boto na tayo." Inikot ko ang mata ko bago sumama sa kaniya. Kasama nga namin si Nixon  pero hindi siya nagsasalita kaya hayaan na lang natin siya. Tutal para naman siyang may sariling mundo.

Papasok na kami sa voting room nang makita ko sila. I mean ang half-bro at half-sis ko. Mukhang sila ang nag-oorganize nang election.

"Ah. Balita ko ang Science club ang nag-organize nito." Biglang sabi ni Nixon. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Tinignan ko ang magkapatid. Kamukha sila ni Daddy. Kaya naman tuwing may mga bisita kami sa bahay, sila agad ang napapansin dahil kamukha sila ni Daddy. Samantalang ako..

"Aisha. Pila ka na dun sa girls." Sabay turo ni Tristan nang pila para sa mga first years. Pumila naman ako dun. Actually, computer na touchscreen na ang ginagamit sa pagvovote. Meron pictures tapos pipindutin mo lang yung pinctures sa kung ano man yung position dun, Tapos i-slide mo lang yung I.D. HOLA! Nakavote kana!

Pumasok na ako sa parang booth. May touchscreen computer doon. Binasa ko kung sino ang magkalaban sa president.

Aquino, Denver

Tapos naka-smile siya sa picture niya. Oo na. Gwapo siya. Malakas ang appeal. Picture pa nga lang lumalabas na ang appeal.. Paano pa kaya pagpersonal. Pero sana picture na lang siya. Nakangiti kasi siya e. Pag personal.. Lagi siyang nakabusangot sa paningin ko.

Syempre, pinindot ko yung kalaban niya. Alangan naman na siya ang iboto ko? Lahat sa party nila, hindi ko binoto. Dun ako sa kabilang party. Ayoko siyang manalo. Hindi niya bagay maging Student Council President. Pagkatapos kong i-slide ang I.D. ko, lumabas na ako. Hinanap ko sila Tristan kung tapos na sila pero sa hindi inaasahang pagkakataon..

Nakita ako ni Alhonie.

Lumapit siya sa akin.

"Naka-boto ka na ba?"

"Tapos na." Hindi nakatingin na sabi ko. Pinagtitinginan na kami nang ibang estudyante nandoon.

"Nag-eenjoy ka ba rito?"

"Oo." Anong tingin mo sa akin? Hindi marunong mag-enjoy?  PSH.

"Alhonie. Marami pa tayong gagawin dito. Pabayaan mo na ang isang iyan." Matigas na wika nito. Si Ansherina. Ang Half-sis ko. Galit ito sa akin. Galit din naman ako sa kaniya kaya okay lang.

"Sige." Baling nito sa kapatid. Tapos tumingin uli sa akin. This time, nakatingin na din ako sa kaniya. "Aisha.. Masaya ako at nag-eenjoy ka dito." Sabi nito at ngumiti. Tumalikod na din ito sa akin at bumalik sa dating pwesto nito.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon