Forty Two*

2.5K 47 14
                                    

Forty Two*

 

AISHA’s POV

After nang klase dumeretso na ako sa black dorm. Hindi ko na hinintay yung dalawa. Si Nixon at Tristan dahil sa kasamaang palad, cleaners pala sila. Kaya nauna na lang ako dahil magrereview pa ako at nalalapit na ang finals. Gusto kong maging Rank One! ARGH!

Tss. Bakit kasi ang galing nung lalaking yun? Hindi ba pwedeng hindi niya galingan ngayong finals para naman maging rank one din ako? Kahit ipabalato niya na sa akin ang bagay na to. Tss. Buong buhay ko hindi pa ako nasasali sa top ten. Ay nung elementary days ko pala, rank one ako. Natigil lang nang dumating sila Ansherina sa buhay ko.

Papasok na ako sa loob ng black dorm nang may marinig akong nag-uusap. Hindi ko na sana papansinin dahil hindi naman ako tsismosa pero narinig ko ang pangalan ko.

“Break the engagement with Aisha.”

Napakunot ang noo ko. Ano daw? Lumapit pa ako lalo para marinig sila. Nasa sala sila kaya nagtago ako sa may pintuan. Nakita kong nakaupo si Daryl at Nagbabasa naman si Edcel.

Pero ano daw yung sinabi ni Daryl?

“Tss. Hindi ka pa rin tumitigil dyan hah? You’re really getting to my nerves.”

“HAHAHA. Am I?”

Tss. Tungkol saan ba ang pinag-uusapan ng mga to? Mali lang ba yung rinig ko na ako yung pinag-uusapan nila? Hayy! Baka nga! Ano ba yan! Nagtago pa ako di—

“Paano kaya pag nalaman ni Aisha na kinumbinsi mo lang ang parents mo to be engaged with her? And you bribe her grandmother to accept it.”

Huh? Ano?

“Shut up.”

“Why would I shut up?”

“Pwede ba matulog ka na lang. Wag mo akong kausapin. Naiirita ako sayo.”

“You’re just interested with her. You do not love her. Bakit mo ba kasi to ginagawa? Out of fun? Tss. Malala ka na talaga.”

“I do love—“ Napatayo si Edcel. Gulat ang makikita sa mukha nito. “Aisha.”

“Totoo ba yung mga narinig ko?” Hindi siya nagsalita. Tinignan ko si Daryl na nakatingin lang din sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Edcel. “Tinatanong kita, totoo ba yung mga narinig ko?” Naikuyom ko ang palad ko nang hindi pa din siya nagsasalita. “Bakit ayaw mo magsalita hah!”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن