Chapter 12 : Start of something NEW

4.2K 49 2
                                    

Note : Last UD ko na for tonight dahil pinapatulog na ako at hindi na din kaya ng mata ko dahil whole ang klase ko today. Hindi ko sure if makapag UD ko next few days kasi baka gumawa na kami ng projcect namin. Enjoy reading readers #CertifiedWattpader

---

Chapter 12 : Start of something NEW

~ Leigh POV ~

Here I am now in Manila. I don’t how will I face them. Hindi ako nahihiya na harapin sila, hindi ko alam kung anong magagawa ko pag nakita ko ulit sila lalo yung babaeng naturingan kong best friend. Pinagkatiwalaan ko sila pero anong ginawa nila? Hindi ko na alam kung makakayanan ko pa bang magtiwala sa ibang tao bukod sa pamilya ko.

Naalala ko pa yung huling gabi ko sa boracay with the man. I just had sex with a stranger, sana lang hindi maglandas kapalaran naming dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Nahihiya ako sa mga pinaggagagawa ko nun, pero wala sa sarili ko na pinag sisisihan ko ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, kakaiba na ngayon ko lang naramdaman. Hindi na naalis na SYA naalis sa isip ko simula noon. Alam ko kahit anong gawin ko makita at makikita ko sya, isa ba naming superstar, natural nasa TV palagi yun lalo ng alam kong meron syang upcoming movie.

Kahit na malaki ang galit ko sa mga ganun klaseng tao pero ewan ko ba iba yung nararamdaman ko sa kanya. Siguro may dahilan sya kaya naging ganoon nalang ang kanyang pagkilos.

Hindi muna ako pumasok ng ilang araw dahil alam kong makita at makikita ko sila sa school lalo na ang aking EX bestfriend na kaklase ko pa sa lahat ng subject ko. Arggg >.< Bahala na bukas sa pagpasok ko.

Kinabukasan na pagpasyahan ko ng pumasok sa school dahil hindi naman dahil na broken hearted ako hindi na ako papasok. Kailangan ko pa din mag-aral lalo na at Dean lister ako, running for Magna Cumlaude. Kailangan kong imaintain ang matataas ko na grades hindi pwedeng maging hadlang para sa kinabukasan ko ang mga taong hindi naman na dapat pahalagahan.

Nakasakay ako sa aking Bugatti Veyron na color red and black. Hindi ko na ito nagagamit kasi naman hated sundo ako ni Chuck noon. Pero ngayon sigurado lagi ko na itong magagamit. 18th Birthday gift sa akin ni papa ito. Minsan ko lang din ito magamit noon dahil nakakailang minsan ang pagtingin ng mga taong nadadaanan ko. Tulad nalang ngayon pag pasok ko palang sa parking lot halos lahat ng tao na na doon ay nakatingin sa kotse ko. Tinted ito kaya hindi nila kita na ako ang sakay. Nagtataka siguro sila kung sino ang nakasakay kaya nung pagbaba ko nga-nga lang naman sila. Gulat sila na ako ang nagmamaneho ng isang sports car. Nagtataka siguro sila at walang naghatid sa akin. Buti nalang wala pa sigurong nakakaalam sa nangyari sa boracay dahil kami kami lang ang nandoon. Sana lang hindi alam ni Brandon ang mga nangyari. Speaking of him, nakasalubong ko sya sa parking lot.

“Leigh! Where have you been? Bigla ka nalang naglahong parang bula sa boracay! Tinatanong ko sila Chuck at Blake kung nasan ka pero hindi sila sumasagot. Tinatawagan din kita pero out of coverage na yung phone mo” mahabang lintanya nito, halatang nag-aalala sya sa akin sa bigla kong pagkawala.

“Sorry Brad hindi ako nakapagpaalam sayo, may emergency kasi kaya kailangan kong umuwi agad” pagpaumanhin ko dito.

“Dapat nag text ka man lang para hindi kami nag-aalala sayo”

“Naiwala ko kasi yung phone ko” pagsisinungaling ko dito, ang totoo tinapon ko na ito para hindi na ko macontact ni Chuck.

“Ah. Bakit ngayon ka lang pala pumasok? Pinuntahan kita sa room nyo kahapon pero sabi ng mga classmate mo hindi ka pa daw pumapasok simula nung Monday. Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito.

“Yup, I’m okay don’t worry about me. May kinailangan lang kasing gawin sa bahay naming kaya hindi ako nakapasok” ayaw ko man magsinungaling dito pero kailangan para wala ng makaalam sa tunay na nangyari.

“Basta pagkailangan mo ako, nandito lang ako huh?” sabay tap nya sa balikat ko. Hindi ko alam kung nakakaramdam sya sa mga pangyayari, matagal tagal na din kami magkaibigan kaya kilala nya na din ako pag meron akong hindi sinasabi. Sya ang maituturing kong matalik na kaibigan bukod kay Blake.

“By the way, matagal ka ng hinahanap ni Chuck. Lagi ngang nag-aabang yun dito sa parking lot para antayin kung darating ka ba. Ewan ko nga kung bakit wala sya ngayon eh” sabi ni Bradon.

“Ah” yun nalang ang nasabi ko. Ayaw ko munang makita si Chuck ngayon. Mabuti nalang at hindi pag nagtatagpo ang landas naming ngayong araw.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng makita kong nag lalakad si Chuck kasama si Blake. Gusto kong hatakin sa buhok si Blake sa lahat ng kasinungalingan na ginawa nila sa akin habang ako ay nakatalikod, pero ayaw ko naman gumawa ng eskandalo dito sa school. Baka mawala pa ang pagiging running for cumlaude ko dahil lang sa padalos dalos na desisyon ko. Hindi nila kami napansin ni Brandon dahil sa ibang direksyon sila patungo at mukhang seryoso ang kanilang mga mukha.

So ngayon harap harapan na ang kanilang relasyon dahil na huli ko na sila? Ganun ganun lang yun? Clap clap for them pwede nang artista.

I’m not into revenge, nandyan naman si karma para gumanti sa kanila. Goodluck nalang sa kanila.

Hindi naman napansin ni Brandon sila Chuck and Blake dahil medyo malayo din ang agwat nila sa amin. Buti nalang dahil hindi ko alam ang isasagot sa mga susunod na tanong ni Brandon.

“Oh sya Brad, gotta go. Baka malate pa ko sa first class ko. Babawi pa ko sa mga absences ko eh” paalam ko dito.

“Sige. Bye bye” at nag wave na ito tanda ng pamamaalam.

--

Note : saklap! wala ako mahanap na kanta for this chapter, hindi na kasi gumagana utak ko sa sobrang antok. Try ko bukas mag hanap :) Good night pipz

xoxo Cee <3 

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARWhere stories live. Discover now