Chapter 22 : Apologize

3.4K 55 8
                                    

NOTE : sino gusto mag papromote ng story? Comment nyo lang para ipplug ko sa next UD ^^, . Busy much na ako sa mga susunod na araw, exams, projects, etc. Kaya sana maunawaan nyo kung bakit hindi na ako araw araw makakapag UD

DEDIC sa idol kong author na pinagulong gulong ako sa kakatawa dahil sa ganda ng kanyang mga istorya lalo na ang kanyang HIS NASTY LITTLE SECRET (plug plug din)

___

Chapter 22 : Sorry

~ Nate POV ~

Ano ba dapat kong gawin? Dahil ba sa hindi ako agad nakabalik kaya hindi nya ako pinapansin? Hindi ko naman kasi kasalanan eh. Bwisit kasing babaeng yun kung hindi paulit ulit yung take ng scene namin sana maaga kaming natapos at nakabalik ako kay Leigh.

Pag dating ko palang sa room hindi na sya tumintingin sa akin. Kahit anong gawing pagpapapansin ko walang epek pero kung sa ibang babae, ngitian ko lang kung makakapit na sa akin ayaw akong pakawalan. Kaso iba sya, ibang-iba. Nag pacute na ko lahat lahat nga-nga padin ako. Parang hangin lang yung kausap ko. Nahalikan na lahat lahat hindi padin tumatalab ang aking charms. Ano bang meron dito sa babaeng to at ginagawa ko ang lahat para lang pansinin nya ako? Nachachallenge lang ba ako sa kanya dahil hindi sya tulad ng ibang babae? Ewan ko. Hindi ko alam ang sagot dahil ngayon ko lang ito naramdaman, yung tipong kahit malayo ka sya padin iniisip mo. Yung alam mong galit sya sayo kaya gagawa ka ng paraan para mapatawad ka nya.

Lunch break na pero hindi nya padin pinapansin ang isang Superstar na tulad ko, kaya naman may balak akong gawin pansinin nya lang ulit ako. This is my first time to do this.

Hinayaan ko munang hindi ako pansinin ni Leigh dahil nag-iisip ako ng way kung paano nya ba ako ulit papansinin.

Nagpadeliver ako ng mga bulaklak at lumabas ng school para kumuha ng mga bata. Oops hindi ako manginginap ah. Tinawag ko yung unang batang nakita ko paglabas ng school.

“Bata, halika dito” tawag ko with hand gesture pa.

“Bakit po kuyang pogi?” bakit itong bata na to tinatawag akong pogi pero si Leigh hindi pa ako napupuri sa kagwapuhan ko kahit isang beses?

“manghihingi sana ako ng pabor, ibibigay mo lang tong bulaklak then bibigyan kita ng 1 thousand” sabi ko dito.

“1 thousand ano po yun? Bente pesos nalang po para may pangbili ako ng merienda.” Ayaw pa sa 1 thousand, pabor sakin yun ^__^

“Sige, meron ka pa bang mga kaibigan na bata? Isa isa ko kasi ito papabigay”

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARWhere stories live. Discover now