Chapter 15 : Video

3.9K 49 3
                                    

NOTE : nakakaloka sabi ko kanina habang tinatapos ko yung 14 sana mag 200 na yung reads, sumobra ata 400+ na sya :) ang saya ko lang !! hihih first time eh kaya pag bigyan nyo na ko

BTW, hindi ko na gagawin private yung 14 kasi hindi ko na alam kung pano haha LOL. Hindi pa ko gamay sa pasikot sikot sa watty eh, taga basa lang naman kasi ako dati

______

Chapter 15 : VIDEO

~ Leigh POV ~

Grand entrance talaga ang pasok nitong si Nate. Nakaabang na agad yung mga fans nya kanyang parking space. Yeah meron syang parking space, iba ng sikat. Pagkababa palang namin kanya kanya ng rumor ang nasa paligid, hindi ko na hinintay pagbuksan pa ako ni Nate dahil mas lumaki ang issue kung ganun.

“Leigh” napatingin ako sa nagsalita, boses palang nya kilalang kilala ko na.

“Chuck” inabot nya sa akin ang hawak nyang bouquet.

“Thanks” pasasalamat ko dito sabay tingin kay Nate. Pansin kong nag-iba ang tingin nya sa akin, para bang galit yung mga mata nya kung makatitig. Kung makakapatay lang siguro ang tingin siguradong nasa burol na si Chuck ngayon, kay Chuck kasi sya nakatingin. Hindi nya napapansin na nakatingin na pala ako sa kanya para makita kung anong reaksyon nya sa pag dating ni Chuck. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang malaman ang magiging reaksyon nito. Alam kong kilala nya si Chuck remember nung nasa bora kami nabanggit ko pangalan nya when we are doing IT.

“Can we talk for a sec?” dun ko nalang naalala na nasa harap ko pala si Chuck ngayon dahil nakatingin lang ako kay Nate.

“Okay.” Lumingon ako kay Nate bago sumunod kay Chuck. “Thanks for the ride” tumango lang sya at diretso nang naglakad patungo sa building namin. Bakit naging ganun yun parang kanina lang good mood na good mood sya, nagagawa pang magbiro, ngayon naman kala ko merong period kung makamodd swings tinalo pa ang babae.

Sumunod na ako kay Chuck na patungo sa kotse nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto. “Where are we going?” tanong ko dito pagkapasok ko sa kotse.

“Sa ibang lugar na walang chismosa sa paligid” pinaandar nya na palabas ng school ang kotse.

Huminto kami sa isang park malapit sa school. Walang masyadong tao ang nandito dahil class hours pa at wala masyadong bahay ang nakapaligid dito.

“How are you?” bungad nitong tanong sakin pagkaupo naming sa swing, sa kabilang side sya umupo.

“Okay naman. Ikaw?”

“I don’t know” may bahid ng lungkot ang boses nito kaya tinignan ko sya, nakita kong nakayuko sya at my luhang pumatak sa kanyang mata.

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon