Chapter 23 : I hate this feeling (>.<)

2.9K 45 1
                                    

NOTE : Sorry now lang nakapag UD, super busy kasi ako. Minsan nalang ako nakakapagtype kasi walang pumapasok sa isip ko kundi yung mga requirements sa school. Minsaan every other day isang page lang natatype ko kaya hindi ko agad na ipopost.

_____

Chapter 23 : I hate this feeling (>.<)

~ Leigh POV ~

“I had fun tonight, grabe namimiss ko na agad si Tita ngayon kahit kanina lang magkasama kami” nasa sasakyan na kami ni Chuck at ihahatid nya na ako sa condo ko. Im really happy tonight, I’ve forgot what had happen at the mall. Mula ng magkahiwalay kami ni Chuck hindi na ako nakadalaw pa sa bahay nila. Namiss ko tuloy sila tita, tito at mga kapatid ni Chuck.

“Me too, halatang miss na miss ka nga ni mommy eh. Ikaw laging inaasikaso” masayang wika nito habang nagmamaneho.

“if I had time, bibisitahin ko ulit si tita” nakangiting sabi ko dito.

“I missed this, us, being with you and my family” lumingon ito sa akin at seryosong nakatingin.

“Yeah” hindi ako makatingin dito kasi alam ko sa sarili kong miss ko na din yung mga ganitong bagay, pero merong iba na hindi ko maipaliwanag kung ano. Hindi na tulad dati ang nararamdaman ko pagkasama ko sya.

Nakarating na kami sa condo ng walang imikan.

“Thanks for tonight, I really had fun” basag ko sa katahimikang namamagitan sa amin.

“Thanks din sa pagsama mo, naging masaya sila mommy at ako” humina ang salita nya pag dating sa ako, pero dinig padin ng dalawang tenga ko.

“Hatid na kita sa unit mo” pag-aalok nito.

“Hindi na, baka mas lalo ka pang gabihin” pagtatanggi ko dito.

“I insist, gusto ko lang siguraduhing safe kang makakarating sa unit mo” ganitong ganito sya noong kami pa, hindi pwedeng hindi nya ako maihahatid hanggang sa unit ko. Ganyan sya noon kaproctective pagdating sakin. Isa yun sa character nya na gusting gusto ko.

“Okay fine, alam ko naman hindi ako mananalo sayo pag dating sa ganito” pagsuko ko.

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARWhere stories live. Discover now