Chapter 27 : Nate's way of courting

4.5K 59 4
                                    

A/N : Dedic sa idol kong author ! DEMISSE

Sino makakatulong sakin? Napindot ko yung restricted eh, paano na papalitna yun eh wala ng choices na lumalabas dun sa rating :*( saklap !

Chapter 27 : Nate’s way of courting

~ Leigh POV ~

I’m here in my condo, hindi padin nawawala ang ngiti sa labi ko everytime naaalala ko yung pagtatapat ni Nate kanina. He told me that he’ll court me, paano naman nya kaya gagawin yun? Alam ko wala pa syang nililigawang kahit isa, nalilink alam ko sandamakmak. I know that he’s a flirt kaya hindi ako sure kung seryoso ba talaga sakin pero sheeeet kinikilig padin ako!

.

.

.

Hinatid nya na ako matapos makalaglag panty eksena sa gitna ng dance floor. Nag paalam muna kami kila Blake at Lucy, ayaw pa sana nila kaming paalisin pero nung si Nate na nagsalita walang tumutol sa kanila. Laking panghihinayang ang nakasulat sa kanilang mga mukha pati yung mga babae sa gilid namin. Hahaha kala nyo makakakita pa kayo ng magandang view. Duh! Akin lang sya. Oops. Hindi pa pala kami dahil liligawan palang daw nya ko. Syempre kailangan pahirapan ko muna sya bago makamit ang matamis kong “Oo”.

~ Next day ~

Excited na kong pumasok, ngayon lang atang nangyari ito simula ng bumalik ako galing boracay. Excited na ko kung anong klaseng panliligaw ang gagawin ni Nate.

*dingdong*

Napatalon ang aking puso nang makita ko ang isang masayang masayang Nate.

“Good morning Leigh” bati nito sakin.

“Ang aga mo ata ah? Anong meron” syempre kunware hindi ko alam kung bakit ba sya nandito, kung anong sinabi nya kagabi.

“Do you remember what we have talked yesterday?” then he sat on the couch.

“Anong pinag-usapan natin kagabi?” gusto ko nang matawa sa reaksyon ng mukha nya. Kala ko mo nalugi sa negosyo. Haha. Salubong ang kilay at nakakunot ang noo.

“Really? Hindi mo matandaan? Pinag-ipunan ko pa man din ng lakas ng loob yun tapos hindi mo lang matatandaan?” nakayukong wika nito. Hahaha epic lokohin nitong si Nate.

“Ano ba kasi yun?” tumabi na ako sa kanya para makita ko ng malapitan ang malungkot nyang mukha. Hahaha pinipigilan ko na talaga humagalpak sa tawa.

“Wala. Tara na hated na kita, sabay na tayong pumasok sa school” tumayo na ito at nakayukong lumakad patungo sa pinto.

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARDove le storie prendono vita. Scoprilo ora