Chapter 25 : I Knew You Were Trouble

3.1K 46 3
                                    

A/N : Hello SEMBREAK !!!

After almost a month makakapag UD din, dahil wala ng pasok ngayon ay pipilitin kong mag UD lagi dahil sa pangako kong babawi ako :) ENJOY READING !

DEDICATED kay HUMIGAD , favorite ko talaga yung UTOS NIYA .. kakaiba yung story, wala sa iba, kaya kahit matagal yung ud inaabangan ko padin .. basahin nyo habang wala padin akong update ;')

Video on the side --> (edited my MEEE ! subscribe na if you want)

-----

Chapter 25 : I Knew You Were Trouble

Hindi ako makalabas ng condo dahil sa dami ng paparazzi sa labas nito.

“Arrrg!” inis na binalibag ko yung unan sa couch. Nakakainis! Ewan ko ba kung bakit naiinis ako, simula nung narinig ko si Nate kausap yung manager nya dahil sa balita.

“She’s my friend pa syang nalalaman! Bakit magkaibigan ba kami? Hindi naman di ba? Arrrg” sa inis ko nasasabunutan ko na yung buhok ko. Sarap nyang itapon pabalik kung san man sya galing.

“Tinanong nya ba ako kung pwede kaming maging magkaibigan? Hindi naman!” >..<

Walang tigil ang pag riring ng cellphone ko. Hindi ko ito masagot dahil sa bilin nung unggoy na si Nate dahil baka mga media yung tumawag sa akin at kulitin ako kung ano bang ugnayan ko sa unggoy na yun. Pupunta nalang daw sya ulit dito pag ayos na ang lahat.

Ilang oras akong hindi mapakali sa upuan kaya napag pasyahan kong buksan yung TV baka sakaling okay na ang lahat.

“The hottest Superstar may kasamang babae sa isang mall. Pinamili nya kaya ito? dahil sa dami nilang dalang gamit pangbahay. Nagsasama na kaya sila sa iisang condo? Nabalitaan pa na sa iisang condominium sila nakatira kaya hindi maiiwasang magkita sila o di naman kaya ay sa iisang unit na sila nakatira” paghahayag nung reporter. Nakita lang magkasama sa mall, live in na agad tingin samin? Ganito ba talaga ang showbiz? Makita lang siguro mahawakan kamay ko, baka sabihin eh buntis na agad? 1+1 =3 na ngayon ang utak ng mga tao. Masyadong advance tinalo pa ang bagong technologies ngayon.

“Nandito ngayon si Mr. Nathaniel Marquez upang makapanayam natin tungkol sa pangyayaring nasaksihan ng ilang fans nya kagabi” itinutok sa mukha nya ang camera. Kitang kita ang perperktong mukha nito na halos sambahin ng mga nagkandarapang babae, mapalalaki man. Wala akong hilig sa mga artista dahil ayaw na ayaw ko talaga sa showbiz dahil puro kasinungalingan at kaplastikan ang pinakapakita ng mga ito, pero sa likod ng camera mo makikita ang katotohanan. Kaya hindi talaga ako fan noon ni Nate, ngayon ko nga lang naAppreciate ang akin nyang kagwapuhan.

“Hindi, hindi, bakit ko ba sya pinupuri ngayon? Galit ako sa kanya!” panay ang iling ko sa pag-iisip na kanyang perpektong mukha nya. Matangos ang ilong, those jawlines na ang sarap haplusin, matang nang-aakit, labing masarap halikan …

“Anu ba tong pinag-iisip ko?” panay padin ang iling ko, pinipilit alisin ang papuring binibigay ko kay Nate.

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARWhere stories live. Discover now