Chapter 4

35.7K 768 36
                                    

Klien's POV

The first sweetest smile plastered on my lips ever when i going downstairs.

Saya na una kong naramdaman na syang bumabalot sa kaibuturan ng aking puso.

"Master,nakahanda na po ang dining table para sa inyo.."

Bungad sa akin ng isa sa mga kasambahay na naninilbihan dito sa loob ng aking mansyon.Tinanguan ko lang sya sabay sabing-

"Hintayin mong makababa ang Ma'am Emyrein nyo para maigiya mo sya sa dining area.."

"Opo,Master.."sabay yukod.

Dumiretso na ako sa dining room para doon hintayin ang pagdating ni Emyrein.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahandang pagkain na nakahilera sa ibabaw ng dining table.

Hope,she like this!

Hinila ko ang isa sa mga dining chair at nagpasyang naupo doon.

Bakit parang ang bagal yata ng oras?Hindi naman siguro ako masyadong excited eh,noh?

Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang naging kulang sa buhay ko.Ang pagiging makapangyarihan..ay hindi biro.Wala kang ibang naiisip gawin kundi kung paano magpakayaman.

Hanggang sa hindi mo narin pala namamalayan na nalilipasan kana ng panahon.

Ang buhay na dapat i-enjoy mo sa panahon ng pagka-teenager mo ay nilamon na lahat ng pagkaabala tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

So,maibabalik mo pa ba ang mga nasayang na panahon na nakalipas na?syempre hindi na..

Pinalaki ako ni Papa sa ganitong klase ng buhay.

I was fifteen years old then when he died..at the time ay wala na akong nagawa kundi mag-take over sa iniwan nyang malaking business.

Binalot ako ng sama ng loob noon..sa murang edad kong iyon ay napunta sa akin ang lahat ng obligasyon.

Until i find out that,si Mama pala ang naging dahilan kung bakit inatake sa puso si Papa.

Isang taon ang lumipas simula ng mawala si Papa ay nalaman ko nalang na nagkaroon pala ng anak sa iba si Mama.

Kaya naman pala halos ilang taon syang namalagi sa ibang bansa at hindi umuuwi para makasama kami ni Papa.

At doon ko nalaman na hindi pala faithful si Mama kay Papa.Galit na galit ako,kulang nalang ay mapagbuhatan ko sya ng kamay.

Doon nagsimula kung bakit nagiging Coldhearted Beast ako.

I hate women..pakiramdam ko lahat sila ay walang pinagkaiba kay Mama.

Isinara ko ang puso ko para sa kanila...walang panahon na hindi ako nagpapaiyak ng mga babae.

Mayroon pa nga na pinagbubuhatan ko na sila ng kamay kapag naiinis na ako sa mga kakulitan nila.

Gusto ko kasing tantanan nila ako..

Ni hindi ko magawang makipagtitigan ng matagal sa kanila.

Natatakot kasi ako na baka mabuwag ang inilagay kong boundary sa aking puso.

'Whose the father of your child?'

Tanong ko sa kanya minsan.I swear i will kill that man kapag nakita ko sya.

'Anak,listen to me...hindi sya basta-bastang tao na pwede mong kalabanin..just fucos sa naiwang negosyo ng Papa mo..hindi kita masisisi kung isinumpa mo na ako..i promised you that i will leave this house,take care of yourself,Son.'

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon